United States or Maldives ? Vote for the TOP Country of the Week !


Gayon ding pinagmumul-an nang pagcacasaquit ang malamig na tubig na iniinom nang tauo cun siya,i, nainitang totoo. Caya cun minsan ay nagcacasaquit nang garrotillo, ética, ó cólico: cun minsan namamaga ang atay at ang tiyan, ó sungmusuca, ó hindi maihi, at parating bibilingbiling sa hihigan, na di macatahan.

Ang lungmalagay sa arauan, at nalalauon doon, ay cun minsan dinaraanan nang panghihimatay, apoplegía; cun minsan ang lalamunan ang masaquit na yao,i, parang angina ó garrotillo; ó cun minsan namamaos, ó namamaga ang liig. Ang apoy nacacasama rin sa tauo cung nalalauon siya sa tapat, at isa rin nang arao.

Nota . Bucod sa saquit na garrotillo na sinasaysay co sa capítulong ito i, mayroong isa pang bagay na pagsaquit nang lalamunan nang tauo, na cung minsan nacamamatay sa marami.

Ang sipón ay catulad nang saquit na pulmonía, pleuresía,t, garrotillo, munti lamang ang saquit; cun sinisipon ang tauo, ay namamaga rin nang caunti ang baga sa loob nang dibdib, ó ang ibang man~ga casangcapang naroroon sa ilong, sa noo, ó sa pisn~gi. Ang sipón hindi sucat hamaquing pabayaan, at cun minsan nacahihila nang man~ga saquit na malaqui sa dibdib, ó sa ibang lugar nang catauan nang tauo.

Nota . Bucod dito sa saquit na sintac na sinaysay co n~gayon, mayroong isa pang bagay na sintac nang apdo ó biliosa , na yao,i, isa rin nang pulmonía nang apdo ó biliosa, na sinaysay co sa nota 1 , nang párrafo 55, na pati nang pag-gamot ay isa rin. Caya susundin ang lahat na turo doon din sa notang yaon. Ang saquit na ang pan~gala,i, garrotillo, at ang ibang man~ga saquit sa lalamunan nang tauo.

Marami ang saquit nang lalamunan nang tauo. Ang malimit dumaan doo,i, ang pamamaga niyong man~ga casangcapang nadoroon, na siya ang tinatauag na garrotillo, na camuc-ha rin nang saquit na pulmonía; ibang casangcapan lamang ang nasasaquitan. Cun ang lalamunan ang masaquit, ay bahag-ya na macalunoc ang tauo nang anoman. Ang tubig at ang lauay lalong maliuag lunuquin.

Párrafo I. Ang unang nacacapagcasaquit sa tauo, ay ang calacasan nang pag-gaua; yaon bagang tauong nagsasaquit gumaua, na ualang tahan arao-arao, na hindi nagpapahin~ga. Cun minsan ang gayong tauo,i, manhihina, at manlalata, at maliuag magsauli sa caniyang datihang lagay na magaling; cun minsan naman magcacasaquit nang garrotillo ó sintac, ó maguiguing ética caya.

Mayroong ibang tauo, na caya nagcacasaquit, sapagca siya,i, nagpahin~ga ó napatahan sa quinalalag-yang malamig cun siya,i, napagod, at galing sa malaquing gaua: caalam-alam ang masasapit niya ang siya,i, urun~gan nang pauis nang catauan. Cun minsan itong sin~gao nang catauan na talagang lalabas, ay napapasaloob, at nacacahila nang man~ga garrotillo, ética, sintac ó man~ga cólico.

Ang gamot sa sipón ay para nang sa pulmonía, pleuresía ó garrotillo . Caya cun ang sipón ay malaqui, lalo pa cun ang maysaquit ay marugo at malaqui ang caniyang ubo, pati nang saquit nang ulo, ay cailan~gang sangrahan sa camay, nang madaling gumaling. Saca painumin nang bilin sa número 1, 2, ó 4.

Touing gab-i lungmalaqui ang init at ang pag-uubo na ualang nacucuha. Ang ilinulura ay may dugong caunting casama, na sa icapitong arao nauauala. Cun minsan ang saquit nang baga,i, ungmaabot hangan sa lalamunan, na hindi macalunoc ang maysaquit, at caya ang isip niya,i, mayroon siyang garrotillo .

Salita Ng Araw

pagtanungan

Ang iba ay Naghahanap