United States or Moldova ? Vote for the TOP Country of the Week !
Mayroong ibang tauo, na caya nagcacasaquit, sapagca siya,i, nagpahin~ga ó napatahan sa quinalalag-yang malamig cun siya,i, napagod, at galing sa malaquing gaua: caalam-alam ang masasapit niya ang siya,i, urun~gan nang pauis nang catauan. Cun minsan itong sin~gao nang catauan na talagang lalabas, ay napapasaloob, at nacacahila nang man~ga garrotillo, ética, sintac ó man~ga cólico.
Ang totoong lauong saquit ay ang sa bayauang, ang sa batoc, at sa balisacang. Cun ang saquit ay nananatili sa balat nang ulo, sa bubong nang mata, ó sa n~gipin ay totoong nahihirapan ang maysaquit; at lalo pang mahirap at mapan~ganib cun napapasaloob ang saquit. Cun ungmacyat sa ulo, ay nagbabalais ang maysaquit; at cun sa sicmura, ó sa bituca mapatun~go, ó sa baga, siya,i, mamamatay caalam-alam.
Salita Ng Araw