United States or North Korea ? Vote for the TOP Country of the Week !


Párrafo I. Ang unang nacacapagcasaquit sa tauo, ay ang calacasan nang pag-gaua; yaon bagang tauong nagsasaquit gumaua, na ualang tahan arao-arao, na hindi nagpapahin~ga. Cun minsan ang gayong tauo,i, manhihina, at manlalata, at maliuag magsauli sa caniyang datihang lagay na magaling; cun minsan naman magcacasaquit nang garrotillo ó sintac, ó maguiguing ética caya.

Cun baga siya,i, dungmoroual ó sungmusuca pagca cain ay yaon ang señal na caalam-alam matutuyo ang catauan. Ang hungmahalili rito ay ang paglura nang berdeng maputi na may casamang dugo. Ang cataua,i, ungmoonti dahil sa lagnat na ética at dahil sa pauis na malaqui, na dungmaraan sa caniya touing umaga at touing gabi.

Ang saquit na Pulmoníang totoo, na ang baga sa loob nang dibdib nang tauo,i, ang masaquit, at yaon din cun minsan ang pinangagalin~gan nang ética. Pinan~gan~galang Pulmoníang totoo yaong saquit na yaon, na ang baga sa loob nang dibdib nang tauo, siya ang namamaga, na anaqui may sisibol doon.

Mayroong ibang tauo, na caya nagcacasaquit, sapagca siya,i, nagpahin~ga ó napatahan sa quinalalag-yang malamig cun siya,i, napagod, at galing sa malaquing gaua: caalam-alam ang masasapit niya ang siya,i, urun~gan nang pauis nang catauan. Cun minsan itong sin~gao nang catauan na talagang lalabas, ay napapasaloob, at nacacahila nang man~ga garrotillo, ética, sintac ó man~ga cólico.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap