United States or Niue ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang gagauin sa lalaqui ó na babayi cun nagcacasaquit nang malaquing saquit, at tuloy sinusubaan ó nadedesmayo. Ang desmayo cun sungmasama sa ibang man~ga saquit, ay masama. Ang nagcacasaquit nang lagnat na buloc, caya siya nadedesmayo ó sinusubaan, sapagca marumi ang sicmura, at capag siya,i, nacapag-ilaguin ó nacasuca, ay nauauala ang desmayo.

Ang maysaquit ay dumurual cun minsan, at nag-iilaguin nang tila madilao at mabaho ang inilulura niya; hindi gaya nang inilulura nang nagcacasaquit nang pulmoníang totoo, cundí madilao sa roon. Ang bibig nang maysaquit ay mapait, hindi pinapauisan siya, tila mayroong siyang nararamdamang mabigat at masaquit-saquit sa sicmurang palibot. Ang color nang muc-ha ay madilaodilao, at tila nag-iiba.

Mayroong ibang tauo, na caya nagcacasaquit, sapagca siya,i, nagpahin~ga ó napatahan sa quinalalag-yang malamig cun siya,i, napagod, at galing sa malaquing gaua: caalam-alam ang masasapit niya ang siya,i, urun~gan nang pauis nang catauan. Cun minsan itong sin~gao nang catauan na talagang lalabas, ay napapasaloob, at nacacahila nang man~ga garrotillo, ética, sintac ó man~ga cólico.

Ang nagcacasaquit nang lagnat na sucab cun baga dinaraanan nang desmayo ay masama rin. Ang bagay doon sa oras na yaon ay ang suca na ipalolon-oc sa maysaquit, at cun masaol-an ay mabuti painomin nang maraming limonada, número 33.

Ang nagcacasaquit nang ganito ay ang matamaring cumibo, ang malacas cumain, ang nag-iisip nang man~ga maliliuag, ang napupuyat, ang namamanglao, at ang inurun~gan nang pauis, galis, ó nang saquit sa bouan bouan cun baga babayi.

Ang pan~galan doo,i, mal de garganta ulcerado, ó garrotillong may sugat . Ang nagcacasaquit nang gayong saquit, ay bihira ang di binubucalan sa catauan nang man~ga butil na mumunti, na sa loob nang ilang arao natutuyo at nalalaglag na parang calisquis.

Gayon ding pinagmumul-an nang pagcacasaquit ang malamig na tubig na iniinom nang tauo cun siya,i, nainitang totoo. Caya cun minsan ay nagcacasaquit nang garrotillo, ética, ó cólico: cun minsan namamaga ang atay at ang tiyan, ó sungmusuca, ó hindi maihi, at parating bibilingbiling sa hihigan, na di macatahan.

Ang mucha,i, totoong daling nag-iiba, at ang mata,i, lalo pa, naghahalihalili ang init at ang guinao; cun minsan ay masaquit ang ulo at bay-auang, at cun minsa,i, hindi; cun bagong nagcacasaquit ang tauo,i, cun minsan naliliyo, na ito,i, masama.

Cun anong nararamdaman niya noong hindi pa nagcacasaquit, at nang bagong magcasaquit siya. Cun napacarami ang caniyang cain ó ang caniyang inom nang malapit nang magcasaquit siya. Cun napagal siyang totoo nang pag-gaua ó paglacad. Cun nacacatulog siya. Cun namanglao ó nagalit. Anong nararamdaman niya arao-arao, hangang siya,i, maysaquit na. Cun siya,i, nalalagnat.

364. Ang nagcacasaquit nang gayon mahirap man ang caniyang pagcaramdam ay hindi nalalagnat, cun hindi pa nacalalo ang isa ó dalauang arao nang caniyang pagcacasaquit; at lagnatin man ang maysaquit ang pulso,i, hindi totoong tigas; at hindi rin malacas; ang tiyan ay hindi namamaga, at hindi mainit para nang sa isang cólicong sinaysay co sa p