United States or Lebanon ? Vote for the TOP Country of the Week !


Caya naalaman, na ang litid nang n~gipin, ó ang pinacabalat na matigas na naroon sa ilalim nang n~gidn~gid siya ang nag-darala nang pagsaquit nang n~gipin, sapagca cun ang may cataua,i, naiinitan, yaon ang pagsaquit nang n~gipin; cun minsan linalagnat ang may catauan nang malaqui; ang pulso,i, malacas at puno; mapula ang mucha, ang bibig ay mainit; ang saquit nang ulo ay malaquing totoo; namamaga ang n~gidn~gid, at cun minsan sinisibulan nang bucol na munti; pati nang pisn~gi ay namamaga rin.

Ang isa pa namang marahil dumaan sa binubulutong ay ang pagsaquit nang lalamunan; ang isip nang nag-aalaga sa maysaquit, na ang lalamunan ay sinisibulan din nang bulutong; datapoua ang dahilang totoo nang pagsaquit nang lalamunan, ay ang pamamaga nang man~ga casangcapan nang catauan, ang cainitan nang dugo, at ang calaquihan nang lagnat, sapagca sa lalamunan ualang sungmisibol na bulutong; caya cun hindi marami ang bulutong, at hindi rin malaqui ang lagnat, ay hindi sungmasaquit ang lalamunan, ay parating lungmulura ang maysaquit na hindi siya macapagpahin~ga.

Bunutin muna ó sunquitin nang carayom ang panuca nang hayop na cungmagat; saca basaing parati yaong lugar na masaquit nang basahang babad sa tubig lamang, ó sa tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao ; ó tapalan nang tinapay na minasa sa gatas at pulot ; bañosan ang maysaquit hangan tuhod nang tubig na malacuco; houag pacanin nang marami cun gab-i; painumin siya nang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao . Ang lana ó lan~gis nang niyog ó ang lan~gis sa castila, cun ilahid agad sa lugar na quinagtan nang hayop, ay nacauauala nang pamamaga, pati nang pagsaquit.

Ang man~ga babaying buntis ay dinaraanan nang pagsaquit nang n~gipin at ulo, at cun minsa'i, dungmuroual, at ga ibig nilang sumuca cun umaga. Ang totoong gamot dito,i, ang pagsasangra.

Ang gamot sa mayroong bato sa pantog, pati sa tauong binabalisaosao, ó sa mahirap umihi. Caya nahahalatang may bato sa pantog ang may catauan, sapagca cun umihi, ay sungmasaquit ang dinaraanan nang ihi, na patuloy ang pagsaquit hangan sa dulo nang punong catauan.

Nota . Bucod sa saquit na garrotillo na sinasaysay co sa capítulong ito i, mayroong isa pang bagay na pagsaquit nang lalamunan nang tauo, na cung minsan nacamamatay sa marami.

Cun ang tauo ay nalamigan, at pag nacaraan ang ilang oras; ay dinaraanan nang pagsaquit nang sicmura ó tiyan, lalo pa cun ang paa,i, siya ang tinablan nang lamig. Itong saquit ay marahil dumaan sa tagalog pag siya,i, nainitan ó napagod, at saca nabasa ang caniyang paa. Sa gayong saquit ay masama ang alac, at ang man~ga purga, ó yaong man~ga maiinit na gamot.

Painumin nang maraming tubig na malacuco na pinaglagaan nang culutan ó palay. Ang pasuca at ang purgang matapang capoua masama sa caniya. Sa tiyan ay lalag-yan nang man~ga basahang babad sa malacucong tubig, at pagca tuyo ay doroonan nang iba. Cun hindi nauauala ang pagsaquit nang sicmura ó tiyan, ang maysaquit papambohan sa tubig na mainit-init.

Nacaguiguinahaua sa man~ga batang dinaraanan nang cólico ó nang pagsaquit nang tiyan nang isang basahang babad sa mainit na tubig na pinaglagaan nang manzanilla at caunting triaca, na itatapal sa tiyan. Ang pagpambo sa man~ga sangol. Ang boong catauan nang batang bagong pan~ganac ay puno nang libag, na gaua nang caniyang linan~guyang tubig sa loob nang bahay tauo.

Ang bagay na bagay sa caniya ay gayon: Sasangrahan agad siya sa camay, sapagca yaon ang nacacaualang madali nang man~ga pagsaquit nang catauan, at nacacalubay sa man~ga casangcapan nang nan~gan~ganac. Hangang di lumabas ang bata,i, houag pacanin ang may catauan; datapoua mabibig-yan siya nang durog na tinapay na luto sa tubig.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap