United States or India ? Vote for the TOP Country of the Week !


Gayon ang gaua ni Santa Mónica cay Patricio na caniyang asaua, ni Santa Marta cay Mario, ni Santa Gregoria cay Vitalino, ni Santa Rita de Cacia cay Fernando, na sa canilang man~ga panalan~gin, ay ipinagcaloob nang Dios na nagbago nang loob ang canilang man~ga asaua. Nauucol na basahin ang buhay ni Santa Rita de Caciá, nang may pagcunang ulirán ang may asauang babaye.

Caiin~gat sa pagcacasala, at nga~yong aco,i, lilipat na sa isang buhay ay ang cabilin-bilinan co,i, cun aco,i, naquitaan ninyo nang masamang halimbaua, ay houag tularan, ihin~gi ninyo aco nang tauad sa Dios at nang aco,i, patauarin naman, at naquitaan ninyo aco nang magandang gaua ay inyong pagcunang uliran.

Sucat alalahanín nang man~ga namamaling binibini ang malinis na uaní nang isda, na tinatauag na Pesmulier . Ang isdang ito, ang sabi, ay may suso sa dibdib, ang palicpic ay malalapad: pagnahuli nang man~gin~gisda, caraca raca ay ibanababá ang palicpic at itinataquip sa dibdib at nang di maquita. ¡Magandang caasalan na sucat pagcunang halimbaua nating man~ga babaye!

Sa maquita cong nangyayayat at cahit sinasayahan ang mucha, ay nahahalata rin ang dinaramdam na dalamhati ay di co natiis at tínanong cong minsan: Cumare tila may dinaramdam cang saquit at cadalamhatían Cumpare ang sagot sa aquin, cun maminsan minsan, at aco,i máy, dinaramdám na pighati sa loob, ay ualá acong pang gamót, cun di ang calun~gin co ang anac co, at ulit ulitin cong hagcán . Ang sagót na ito,i, di na dinugtun~gang catagá man: aco nama,i, nagtindig na sa salitaan, nahambal aco, at ang aquing luha,i, nan~gin~gilid sa mata ¡Oh! babaye na sucat pagcunang ulirán nang may man~ga asaua!

Salita Ng Araw

maghimagsik

Ang iba ay Naghahanap