United States or Turkmenistan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa paguumpocan ay caiin~gatan ang quilos, tin~gin at pan~gun~gusap, at baca maquitaan nang cagaspan~gan, ay cahiyahiya. Sa isang piguing ay maraming lubha ang masasamang gauang naquiquita, na laban sa calinisan sa cabaitan at sa camahalan nang asal. May maquiquita cang guinoó, na palibhasa,i, inaaring mataas nang iba, ay guinagaua ang asal na di nagpipitagan sa may bahay.

Mahalin ninyo ang inyong buhay caiin~gat at baca mabigatan ang inyong puso sa cayamuan, sa pagcain, sa paginom at sa paglalasing; ay datnán cayo nang biglang camatayan.

At ang lalong casaquitsaquit, ay ang biglá at masamang camatayan, na tumatapos sa masamang buhay, sapagca,t, pinatataláb sa canila ang uica nang Dios Espíritu Santo: cun ano ang pagcabuhay gayon din ang pagcamatay. Caiin~gat man~ga binata dito sa masamang vicio at linin~gin yaong santong hatol nang ating Pang~inoong Jesucristo.

May isa pang pinagcacabihasnan ang caramihan nang tauo, na cun naquiquipagusap sa capoua, ay ang camáy ay iquinacamot sa haráp. ¡Asal na cahalayhalayan na nacapopoot sa malilinis na loob. Caiin~gat na ito,i, pagcaratihan nang bata. Cun may lalabas na masamang amoy, ay lumayo sa tauo, houag pamalay at nang di mapan~ganlang salahula: Adios, Feliza, hangang sa isang sulat.

Caiin~gatan mo, Feliza si Honesto, na maquipaglarô sa malulupit na bata, sapagca,i, di man pagaauay ang caniyang matubo, ay pan~ganib na mahaua sa canilang casamaan. Cun may matandang maganyaya sa bata sa paglalarô ay houag cara-caraca,i, papayag, sapagca,t, cun masda,i, isang capan~gahasan.

Caiin~gat sa pagcacasala, at nga~yong aco,i, lilipat na sa isang buhay ay ang cabilin-bilinan co,i, cun aco,i, naquitaan ninyo nang masamang halimbaua, ay houag tularan, ihin~gi ninyo aco nang tauad sa Dios at nang aco,i, patauarin naman, at naquitaan ninyo aco nang magandang gaua ay inyong pagcunang uliran.

Caiin~gat si Honesto sa pagiibigan, malasin cun sino ang pinagcacatiualaan nang caniyang puso; tingnan cun tapát na loob, mahal na asal, may pinagaralang bait, marunong sumaclolo sa arao nang panganib at cun maquita niya itong may man~ga halagang hiyas saca naman ipagcatiuala ang caniyang loob.

FELIZA: Cun ang inyong pag sasama ni Amadeo, ay bigyan nang Dios nang bun~ga, ay caiin~gatan mo,t, nang huag masira. Ang babayeng nagdadalang tauo ay maramdamin ang catauan, caya dapat itiguil ang pag aayunar, at baca ipag caramdam, at bucod sa rito naman ay di ang sariling catauan, cun di sampu nang sangol na dalá sa tiyan, ay nag cacailan~gan nang pagcain.

Gayon din, naghihirap ang ipinaninibughó, sapagca,t, nasasactán ang loob sa paglililo na ipinagbibintang sa caniya. Caiin~gat ang magasaua sa panibughó, sapagca,t, nagpapamatá sa masamá. At cun ang isa,i, mapunó na ay niuiuica sa loob na caniyang titiquisin.

Bago bigcasin ang bibig, ang sasabihin ay iisipin muna, at susundin yaong hatol ni San Agustin ang minsang bibitiuan nang dila ay paraaning macalaua sa quiquil, sa macatouid ay sa bait. Caiin~gat at ang sabihing masama sa minsang mabitiuan, ay di na madarampot.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap