United States or Jamaica ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa bagay na ito ay cung mabinyagan icaw, at gayon din ang lahat mong caual at sundin ang utos n~g Dios na mahal upan ding matamó ang payapang bayan. At ipatayo mo uling panibago ang man~ga Simbahang ipinasira mo, at ihin~ging tauad ang lahat nang ito sa iisang Dios na Personang tatlo.

Pacundan~gan sa catacatacang pagcahusay, pagcacaayo,t, pagcariquitdiquit nang tanang man~ga cabanalan na ipinamuti sa iyo nang Pan~ginoong Dios, at alang-alang doon sa mahal na banaag na inihulog nang Pan~ginoong Dios sa iyong caloloua, at nang ihalal cang maestro,t, ama sa gayong caraming Religión sa caniyang santa Iglesia, aco,i, dungmaraing sa iyo, mapalad na santo cong Ama, na idalan~gin mo aco sa ating Pan~ginoong Dios nang graciang icatutupad at icaaalinsunod co sa man~ga ipinagpasunod mo, ihin~gi mo naman ang man~ga mahal na Religión na pinagpupunuan mo, na ang sinusunod baga,t, pinipintuho nila,i, ang Regla mong quinatha, sampon nang iba pang calahat-lahatan, ay paraparang maquinabang din sila nang man~ga biyaya,t, graciang ipinagcaloob sa iyo nang Pan~ginoong Dios, at nang maisulat mo yaong Regla.

Caiin~gat sa pagcacasala, at nga~yong aco,i, lilipat na sa isang buhay ay ang cabilin-bilinan co,i, cun aco,i, naquitaan ninyo nang masamang halimbaua, ay houag tularan, ihin~gi ninyo aco nang tauad sa Dios at nang aco,i, patauarin naman, at naquitaan ninyo aco nang magandang gaua ay inyong pagcunang uliran.

Iniaamo namin sa iyo, alang-alang sa sáquit mong ito, at sa humaliling ligaya, na cami ay tingnan mo at ipanalan~gin, nang si Jesús ay huag mauala sa amin cailan man dahilan sa casalanang mortal; at cun mangyari sa amin ang ganoong capahamacan, ihin~gi mo cami nang tunay at manin~gas na pagsisisi, nang matutuhan naming hanapin, at maquita ang maauaing Jesús: at hin~gin mo sa caniya na cami ay patauarin, lalong lalo sa panahon nang pagpanao sa buhay na ito, nang macamtan namin ang calualhatian nang Lan~git, at doon puríhin sa casamahan mo ang auâ niya magparating man saan.

Limitan mo, Feliza, ang pagcocompisal at paquiquinabang ihin~gi nang aua ang sarili mong caloloua, at ang maguiguing anac mo, lalong lalo na sa icasiyam na buan, sapagca,t, catungculán nang babayeng nag dadalang tauo ang mag compisál sa panahóng ito, at palibhasa,i, malaqui ang pan~ganib nang nan~gan~ganac, lalong lalo na cun nan~gan~ganay.