United States or Dominica ? Vote for the TOP Country of the Week !


Na catunayan n~gang na sa casulatan sa man~ga beato,i, ipinakibilang, saca sa man~ga malualhating banal itong mananahi na Santang maran~gal. Ang Santo Papa Benidicto Tercero ipinag-utos na ipagdiuang dito, n~g Santa Iglesia nitong boong Mundo sa kinabucasan nang pagpanaw nito.

¿Cung gayo'y bacâ cayâ ang Dios? ¡Ah! hindî nacatitigatig ang mabait na Dios n~g m~ga conciencia at n~g pagcacatulog n~g m~ga mámamayan doon: hindî nacapan~gin~gilabot man lamang sa canila; at sacali't másalitâ sa canilá ang Dios sa alin mang sermón, waláng sálang naiisip niláng casabáy ang pagbubuntóng hinin~: ¡Cung íisa sana ang Dios!... Bahagyâ na nilá nagugunitâ ang Dios: lalong malakí pa n~ga ang capagurang sa canila'y ibiníbigay n~g m~ga santo at m~ga santa.

Sila n~ga'y napacasal ó nagsiluan ang isa't isa , at na pa sa Santa Ana sila at n~g doon nila lasapin ang catimyasan n~g unang buwan n~g bagong casal; n~guni't n~g gabi n~g sa canila'y pagcacasal, nagcasakit si doña Victorina, dahil sa catacottacot na hindi pagcatunaw n~g kinain; si don Tiburcio'y napasalamat sa Dios, nagpakitang siya'y mairog at maiguing mag-alaga.

Maigui rin sootan ang tayin~ga nang caunting bulac na ibinabad, sa alac na pinagtunauan nang ga dalauang butil na almizcle; bucod dito ang ulo ay tatacpan nang paño, at masamang mahan~ginan. Ang uica ni P. Santa Maria, ay totoong galing sa masaquit na tayin~ga ang patacan nang taba nang buaya, at cun minsan mauauala ang pagca bin~gi. Na-aari rin ang taba nang baboy.

Ang Vírgen at Martir at hirang na Santa na alilang tan~gi na si Potamiana, puspos cahinhina,t, dalagang maganda na nacalulugod sa titig n~g matá. Na di nahicayat camunti man lamang niyong pan~ginoon sa pitang mahalay, ang di pagcagahis sa n~gayong paglaban ang sa pagca Martir ay naguing dahilan.

Siya naua. ¡Aba balon nang carunun~gan! maestro nang Teología, ilao nang man~ga man~ga-n~garal, Doctor nang man~ga Doctor haligui nang santa Iglesia, calasag nang pananampalatayang cristiano, tabac sa man~ga croges. ¡Aba Agustíng bulaclac nang man~ga matatalas na bait, at tauong inaralan nang Dios! na cun ihalimbaua ca sa man~ga Santos, icao ay casanto-santosan, at cun sa man~ga marurunong, carunungdunun~gan ca.

Bucod pa sa siya,i, tampalasan, ay hañgal pa naman sa madlang bagay; sapagca,t, cun siyasatin ang pagcagaua nang nasabing libro,i, isip ninyong hindi ang camay nang may bait na tauo, cundi ang paa nang isang mangmang ang isinulat noon; at halos sa lahat nang fojas ay mapagmamalas na ang gumaua,i, han~gal na han~gal sa paghahanay nang masanghayang pananalita, lalong lalo na sa uicang castila; ang totoong tan~ging matatanghal doon ang sino man ay ang isang sucab at tacsil na pagcapoot niya sa ating santa Religión at sa España.

Sucat na ang isang indulgencia plenaria upang mahan~ siya sa Purgatorìo; hindî dapat ninyóng sayan~gin ang m~ga santa indulgencia; tumúlad cayó sa akin. ¡Lalong magalíng ang lalong marami: ang sabi co! ang sagót n~g waláng málay na si hermana Juana, casabáy ang n~gitî.

Anopa at cusang lumiuanag naman ang sadyang madilim bagang bilanguan, at dumating doo,t, napakitang tunay ang malualhating Apostol na hirang. Na si San Pedro,t, namasdan n~g lahat na biglang gumaling ang lahat n~g sugat, n~g cay Santa Aguedang catauang hayag na tila uala ring dinamdam na hirap.

Ang man~ga mata co,i, para nang alipin na bibitin bitin sa pan~ginoon hihintay-hintay at di inaalis hangang sa di caauaan. Ang Dios na dinadain~gan co, sa toui-touing daratnán aco nang sáquit, si Guinoong Santa Maria na tinatauag cong Ina, ay naaua,t, nahabag sa aquing man~ga panalan~gin, hindi nalao,i, hinan~go aco sa hirap.