United States or Paraguay ? Vote for the TOP Country of the Week !


Na buloc na,t, hindi sucat na matiis yaong sumisin~gaw na bahong malabis, nang cay Margaritang abutin nang titig sumicdo-sicdo na ang caniyang dibdib. Uinauari niya ang kinahinatnan n~g gayong cakilakilabot na bagay, na sinalubong n~g caniyang caauay tinadtad n~g sugat hangang sa napatay.

Huag cang matulog naman at aco'i, iyong abangan, cunin mo sa aquing camáy ang singsing cong ililitao. Tinadtad na ngani niya itong si doña María, sa tubig inihulog na naguing isang isda siya. Sa calaunang di hamac sa ilalim ay paghanap, ay nacatulog na agad itong príncipeng marilag. Nang ang singsing ay macuha naguing tauo ang princesa, daliri'i, inalitao na si don Juan ang cucuha.

Ay ano po naman ang tamardillo? ang ulit n~g kausap. Ang "tamar" ay tamad, hindi masipag, ayaw gumawa, at "dillo" ay tinadtad, anhin mo'y pikadillo; sapagka't ang tawong tamad ay talagang tinatadtad n~g pintas at pula n~g kapua tawo; at ipaghalimbawa nating tayo n~ga'y makakitá n~g isang tawong malakas at walang karamdaman n~guni't nagaansikot, ayaw gumawa o mag paupa ay pinupuri kaya ninoman?

Nang mapakingan ni Kamagong ang huling binigkas sa bibig ni Kadiliman, umalimpuyó ang galit sa dibdib at sinabing: ¿Ang bayan kaya'y na sa sa lawak pa n~g Kadiliman? mulî na namang nan~gusap si Kadiliman natin n~g: ¿Ano po ba ang palagay mo sa pilipino, hindi na bagá kayâ maging mabuting pilipino kundi patun~go sa landás n~g Kadiliman? siyang pagdating nila Giday Lasenga at sina Posotsoy, masasayang nagbigay galang kay Kadiliman; si Giday dahil sa may kalasin~gang dumating, siyang sumigaw n~g: ¡mabuhay! ang tugon nang lahat at napaban~gon si Kadiliman n~g madinig ang papuri't sinabayan n~g wikang Lolay, ilabas mo ang parol. Oo, ang sigaw naman ni Lolay at maghahain na tuloy ako, inilabás ang parol, nag-inuman, n~g nan~gagmamalainibay na silang lahat naghain na si Lolay, tinadtad na ang mainit na litsón, pinaghiwahiwa na ang inihaw na pabo at nagsidulog ang m~ga panauhín, lumagay na si Kadiliman sa kanyang lugal na pinakapangulo, saka nagsalita: ¿Anong kahulugan nitong ating piging? si Tengteng Kamagong hindi kumikibô, datapwa't sa kanyang sarili ang nawika: ¿Mayroon bang dapat na makaalam n~g lahat nang bagay na nangyayari kundi ikaw? umulit na namang tumanong si Kadiliman: ¿Bakit walang makasagot sa inyo? yayamang hindi ninyo masagot, sasabihin ko na: kaya ako pinan~gan~ganlang Apô-Apô, dahil sa kabutihan ko, sapagka't ipinagsasálo ko kayo sa aking dulang; pagka sabi nito, tumalikod si Kadiliman at sa sarili'y sinabing. (kayâ ko lamang kayo ipinagsasalo, dahil sa nais kong ako'y inyong ibotos sa anomang katungkulan) muli na namang hinarap ang m~ga kaawá awa, siya simulan na natin ang pagkakainan. Tinawag ang kanyang anak na si Arkelaw at binulun~gan, na ganitó ang ibinulong: Arkelaw na anak ko: ang m~ga kasalo nating iyan, marami ang bin~gi, bulag at pipe, ang m~ga iba niyan ay m~ga hindi ganoon, huag mong lubhang pakikisamahan pagka't hindi mo mau-ulol, sa makatuwid wala kang mapapakinabang, ang m~ga paraang ito'y dapat mong mahahin sa akin at sa iyong nunong namatay na si Pirong Botete, kung ibíg mo din lamang guminhawa sa ibabaw n~g mundo, hwag kang makisama sa kasingtaas mo, n~g iyong mapagharian. Akong si Kadilimang iyong ama talastas mong na sa karamdaman, hindi natin mahulaan sa n~gayon kung kailan mapapatid ang tan~gan kong hinin~ga; n~g mamasdan ni Tengteng Kamagong ang bulun~gang itó nang mag-ama kinalabit si Bakokoy at pabulóng na sinabing: Matagal ang bulun~gan n~g mag-ama ni Kadiliman at Arkelaw. Lantakán mo n~g lantakán ang litsón hindi kung anong pinagmamasdan mo, ang sagot ni Bakokoy; siyang pagdatal ni Tarorang Susô at humahan~gos, pakingan ninyo anyá ang aking balita: Ang lahat ay napatan~ga sa kanya, pumigura si Tarorang Susô at saka nagsalitâ: Ako anya'y galing sa Sampalok, doon ay nabalitaan kong hindi naaprobahan ang kalahat lahatang hiling n~g Bill Adriático na ang bawa't pook ó distrito ay magkakaroon n~g isang Concejal, hindi ganito ang kinahinatnan kundi dalawa lamang sa boong Kamaynilaan isa sa Katimugan at isa naman sa Kahilagaan (isa sa N. at isa sa S.) n~g madinig ni Kadiliman ang balitang itó ni Tarora, naghimatay si Kadiliman at nabwal sa kinauupang luklukan, siyang pagkakaguló n~g gibikan n~g lahat sa ating Kadiliman, ang iba'y humihin~gi n~g tubig ang iba'y Eter, ang kalahatan naman ay ilaw nang tayo anya'y magliwanag dahil sa laganap sa boong bahay ang Kadiliman, ipinasok sa silid si Kadiliman, si Bakokoy at Kamagong hindi tumitinag sa kinauupan, kaya't sila lamang ang naiwan, at nasok sa silid ang lahat. Hinampás ni Kamagong sa n~gusô si Bakokoy n~g hit

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap