United States or South Africa ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa pagcat di lamang sa tauo'y pag-hatid n~g lumbay ang dusa't iba pang pan~ganib cun di ang sala mang sa puso'y cumapit ualang iguinhaua cung hindi luminis." Ina'y palibhasa ang gayo'y di taroc cung litis ò tunay ay agad tinulot sa bugtong na anac n~g upang ang lungcot na laon nang dam-dam pumanao na lubos.

N~gayo'y tantoin mong buhay mapapatid pagcat tumalab na ang lasong mabagsic, mula pa sa Mantua binili cong pilit dahil sa balitang: "bangcay cang malamig." Julieta'y sa hindi antay na pahayag n~g casi, ay ibig isigao ang hirap, na big-lang dinamdam, n~gunit di pinayag n~g dib-dib at tila lan~git ay lumapag;

Cataua'y naurong at big lang nataas ang muc-ha'y dumilim at loob nasindac. pagcat ang acalang may buhay at lacas bangcay n~g nagcatay sa dugong nagdanac. Mata'y tinin~gala't camay haluquip quip aniya "¡ó Dios co n~g aua at bihis! hindi mapag hulo ang dito'y namasid naguing bun~ga'y bangcay n~g turo cong litis.

Di co man auitin, bumabasang ibig, sa caya cong capos, balac na nang isip humiguit cumulang ang touáng sinapit Julieta't Romeong sa tulá'y pantamis. Ang di pag-sambahay, pagcat sauing maquiat Romeo'y mapanhic tahanan n~g liyag, binubun~ga y sabic na pandag-dag sicat sa quinamtang ticang ang linis laganap.

Minarapat niyang siya'i ang inibig lamang ang lalagoc sa copa n~g sáquit calatac latacan uubusing pilit huag ibahagui iba sa hinagpis Pagcat ang pag-ibig nilang madalisay may sala, at hindi gunita ang hadlang; n~gunit sisi uala't tamis ang mamatay sinta ni Romeo huag lamang yuracan.

Si Romeo'y aniya, "tunay, n~gunit pagcat ca-auay tang lahi, sa piguing may tatag, n~g budhi di toua, di hintay lumangcap linam-nam n~g saya magbi-bigay sac-lap." Benvolio'y pumacling, "nataon pa naman n~gayo'y sa payapa magcatalong angcan, ¿baquit sa-sayan~gin at di pag pilitang nam-namin ang handog n~g capanahunan?"

N~g puso ang dupoc catutubo'y pagcat at ang sa babayi lalo nang di palác Julieta'y ang sundang hinagca't sinacsac ang puso at saca asaua'y niyacap. Saca humagulhol n~g calunos-lunos pagcat nagcaagao sa mahinang loob: saquit sa pagpanao n~g asauang irog at saquit din naman n~g sugat ang handog.

Ani Capuleto "sa gabi ring harap bucsan, cung acala, ang tabing n~g hirap. sa pusong may bigay pagcat piguing tatag sa bahay co'y tulot, sa iyo'y ang paglangcap; N~guni at n~g upang huag mayucayoc batang pag-iisip n~g cabutong irog, bago tumalima sa mapuring unos sa ipa-uunaua, tan~gu mo'i isagot.

Anio n~g babaying ilauig ang buhay calulua'y cung yurac n~g pula't casaman, pagcat ang halaga na guintong in~gatan ang maguing busilac ang puri at asal; Caya sa isip mo sacaling namugan hina co'y hanapang labis pa sa gauad, inihahanga ca n~g sinta cong tapat pag-asa itacuil at di icagalác.

N~gunit nauari mang pagsinta ang simpan hindi rin nasayod cung sinong dahilan, sa conde de Paris, sa una'y tunuran, tinucuy ang balac at pinapagtibay; Pagcat tan~ging ito ang ipinagturing sa anac na bugtong n~g gabi n~g piguing at ito n~ga lamang humiling mag-anquin puso ni Julietang usig n~g hilahil,