United States or Malaysia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Romeo'y naurong't ang bangcay minasdan n~g ibig magcamit cay Julietang hirang sa niuari-uari pinasoc n~g suclam pati pinamatay ay pinagtapunan; At saca madaling ang bangcay binuhat tuloy iquinanglong cung saan nalagac ang sa cay Tibaldong, naguing punong hirap nila ni Julietang, patay rin sa balac.

Tugon ni Romeo "yaring catauhan sa laot n~g touá baquit mo linutang¿ camay mo n~g aquin pina-iniit man sa mata mo baga aco'y nada-darang." Sa gayong aglahi n~g pusong may tiboc Julietang butihin banayad sumagot, sang n~giting matimpi pagcat sumaloob ang sa capoua'y amang datihang sigalot.

Sa tinalotalo loob caisipan aniya sa sarili "sa sinta ma'y hadlang dating cagalitan n~g aming magulang, aco'y cay Julieta't siya'y aquin naman. Sa pintó n~g puso boong nari-rin~gig ang tugtog n~g sa cay Julietang pag-ibig, ang uicang "dalisay" natanao n~g isip busal niyaong m~ga batang panaguinip.

Bauat isang patac n~g gunita lamang, n~g isang malayo sa sintang cinimpan dagat man din't unos tatauiring dam-dam sa munting ilan~goy hinin~ga'y papanao. Ano't muláng ito'y lumbaying tumulac sa quinaguisnan niya at linac-hang Ciudad di na n~ga cumati ang luhang nanatac ni Julietang casi't ualang icagalác;

Sa han~gad n~g anac ang capanatagan inihabilin pa sa dating sulitan n~g sala, di iba't ang Paring nagtibay sinta ni Romeo cay Julietang hirang. Sa pari hinin~ging piliting matalos ang dusang matago n~g cabutóng irog, samantalang bago, lunas n~g masunod upang di icupas n~g boong alindog.

Sa gayo'y sa munti na alio dinamdam sandaling sumicat sa busal n~g lumbay, Romeo niyacap ang casi't hinagcan. casunod n~g lúha't ¡"ay Julietang hirang!"

Marami man cahit, n~g sinta'y tinablan, sa himoc n~g tin~gin, n~gunit daplis lamang, at n~g sa matinding dagoc ang hinirang puso ni Julietang camura-muraan. Ito iuan muna bumabasang liyag itulot sandaling ibaling ang suliap sa dacong unahan upang matalastas ang ibang nangyaring lisan di dapat.

Camunting oras pang bago n~ga minuláan sa piguing nagsad-ya ang pagda datin~gan at n~g si Julieta'y bihis nang mainam tinauag n~g ina't ganito ang say-say: Aniya, "ó Julietang cabuuó cong irog, ¿di pa caya sun~gao sa búco mong loob ang pagaasauang hindi nali-limot sa lupang iba-bao n~g puso'y lamuyot"?

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap