United States or Botswana ? Vote for the TOP Country of the Week !


N~g agad matanto ang dapat mong gauin tin~gin n~g isip mo isunod sa aquin, sa munting panulat masusing ilibing Julieta'y sa busal n~g luhang masin-sin; Pagcat sa panulat nino mang umauit ualang pusong lihim na hindi masilip, uala ring Palaciong hindi mapapanhic at ualang libin~gang hucay di magahis.

Cay Romeong tugon, "sa camay n~g isip ang "uicang cailan~gan" sa boo mong sulit, hindi maapuhap, caya sa iyo'y nais n~gayo'y liuanagan n~g upang mabatid." Si Benvolio'y, aniya, "cung hindi maturan, sa tin~gin n~g uari sa puso mo'y tunghan, sa busal ay titic sa diquit n~g lumbay sanhi n~g ya-ya cong lubháng cailan~gan."

Romeo'y sa busal n~g dusa at poot naguing casagutan sa asauang irog, sa tica n~g Conde banal na umayos at ang tagong lihim huag ipatalos; Aniya, sa mabuting paraan cucunin hindi maglalaon Julieta sa piling n~g mahal na ama't ito'y pagpilitin n~g upang maligtas sa bagong hilahil.

Romeo'y namanghang di hulo n~g isip din~gig cung totoo cayá panaguinip. cay Julieta'y tanong ¡"ó tála n~g diquit! sadiang minarapat sa iyo'y malapit. Sagot ni Julieta, "oo at sa pagcat camay cong caliua sa sandaling oras papag-iinitin n~g iyong paghauac sa busal n~g gabing lamig cumacalat."

Sa gayo'y sa munti na alio dinamdam sandaling sumicat sa busal n~g lumbay, Romeo niyacap ang casi't hinagcan. casunod n~g lúha't ¡"ay Julietang hirang!"

Calacarang masid sa lupang ibabao, busal n~g taltalan ó caya ba-bagan, ang palalo't duag tapang binabagay timbang n~g pag-auat n~g nama-maguitan; Pag-auat cung baga tunay at mahigpit sa duag ay lalong paquita'y balasic; dapouat cung acalang himba-bao di pilit marahil urun~gan n~g sariling aquit.

Ang naca-cahambing n~g tipong carictan maligayang ilao n~g bucang liuay uay at ang casiglinis ang hamog sa busal n~g bucong sampagang caban~gu ban~guhan. Julieta n~ga'i isang mariquit na perlas sa sariling consang buhay nala-lagac, siya'y mahalagang bato at sa quislap corona ang culang, caya di matanyag;

Ang arao n~g anyong di na matitigan Palacio'y handa na sa cau-uculan, minulan ang dating n~g Conde't magulang ni Julieta't galing sa Veronang bayan. Sa busal n~g touang di cayang salitin niyaring dilang capos sa acmang gamitin, Julieta'y nabucsan sa tuluga't hambing bangcay nang malamig at hindi maguising.

Sa tinalotalo loob caisipan aniya sa sarili "sa sinta ma'y hadlang dating cagalitan n~g aming magulang, aco'y cay Julieta't siya'y aquin naman. Sa pintó n~g puso boong nari-rin~gig ang tugtog n~g sa cay Julietang pag-ibig, ang uicang "dalisay" natanao n~g isip busal niyaong m~ga batang panaguinip.

Cahit di pa pitas sa pagayong asal ang bun~ga n~g nais sa gunita'y nam-nam,, sa lasang pang-uili ualang agam-agam ligaya sa lan~git mandin ang namasdan. Cung oras ay buan sa busal n~g hirap. naca-casing laon sa ating pagmalas, taon quisap mata mata't masayang lumipas sa magcasing sintang sa tica'y magharap.