United States or Saint Vincent and the Grenadines ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa unang págpapahayag, sa icalaua sa icatlo, cun ang dalaga,i, may inin~gat na puri, hindi malayo na di pa hinuhod sa mas mang lamuyot at maitatangol pa nang catutubong cabaitan. N~guni sa icaapat o icalima marahil ay hindi na. Mahirap nang macapaglaban, at palibhasa,i, nararagandan.
Houag magnanasang mabunyi sa cagayacang hiyas at cariquitan, at baca mahilo sa incienso nang puri, suyo at lamuyot, na isinusuob nang cabinataa,i, mapagdimlan ang isip at mapagdayaan. Paca isipin nang dalaga, na ang caniyang puri, ay maipaghahalimbaua sa cayamanan, sa hiyas na iisa-isa na ini-in~gatan, sa minsang masira,i, di na maooli, sa minsang malaglág ay di na madarámpot.
Icao, Feliza,i, ipinahintulot nang lan~git na malagay sa isang pan~ganib, pinabayaang ipaquipagbacat ang sarili mong lacás, dibdib mo,i, nalagay sa guitna nang digma,i, nagcaalan~gan sa lamuyot na tucsó, at sa hatol nang cabaitan; n~guni pagtauag mo,i, agad cang dinulóg at ang caloloua mong lumagui sa hirap, ay sinaclolohan, inalis sa dusa, biniguian nang lacás at caguinhauahan; tingni, capatid co cun di ang catamisan nang Dios, na ibinabalita nang haring Profeta ay naranasan mo.