United States or Slovenia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun magsasalitá ay sayahan, n~guni lalangcapán nang cahinhinan; houag maglalasing, sapagca,t, cun mapagdimlan na ang isip, ay di na maalaman ang guinagaua ó sinasabi. Houag magpaquita nang quilos masamá, na para baga nang mamualan, dumampót nang lapang lapang na ulam, ó tinapay, uminóm nang maraming alac, nang di mauicaang matacao ó lasing.
Houag magnanasang mabunyi sa cagayacang hiyas at cariquitan, at baca mahilo sa incienso nang puri, suyo at lamuyot, na isinusuob nang cabinataa,i, mapagdimlan ang isip at mapagdayaan. Paca isipin nang dalaga, na ang caniyang puri, ay maipaghahalimbaua sa cayamanan, sa hiyas na iisa-isa na ini-in~gatan, sa minsang masira,i, di na maooli, sa minsang malaglág ay di na madarámpot.