United States or Guam ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang masidhing lumbay laon nang namugad puso ni Romeong binatang maticas, payuco't nag-isip maupó't lumacad, tan~ga't ualang uili maquilahoc usap. Ito'y halata man n~g sintang magulang dapua't di mataroc lihim na dahilan, pagcat ualang ibang hinin~gahang simpan cun di si Benvoliong catoto at pinsan.

Julieta'y gayong din sa puso ay tipid sinta cay Romeong ayao nang mapacnit. Marami man cahit ibang nan~gaghandog maban~gong bulac-lac n~g pusong may tiboc cay Julieta'y pauang masaclap na yamot si Romeo lamang sa tamis nabúcod. Cay Romeo namang pagsayao madlang sa ibang dalaga't sa uica ay culang pagca't si Julieta ang laman na lamang n~g hucay n~g pusong sa pagsinta'y hibang.

Naramdaman n~gani Julieta'y ang init n~g sa cay Romeong camay ay malabis, n~gunit ang sa isang binata'y malamig sa cabilang siping, tinac-han cung baquit. Yaring acmang sulit sa tag-lay na edad sa bunying Romeo'y malambot binigcas, aniya, ó guinoo'y, mapalad ang oras pagcalapit nati't camay nagcahauac.

Caya si Julieta ang luha'y bumucal sa bibig n~g ina, n~g ito'y malaman, at ang puso nila ni Romeong hirang ay pinagbuhol na sa harap n~g altar, Isa pa'y ang Conde sa haying pag-irog puso ni Julieta ay hindi tumiboc, cahit sa isip man di sumaguing lubos liban cay Romeong sa palad nabucod.

Cay Romeong tugon, "sa camay n~g isip ang "uicang cailan~gan" sa boo mong sulit, hindi maapuhap, caya sa iyo'y nais n~gayo'y liuanagan n~g upang mabatid." Si Benvolio'y, aniya, "cung hindi maturan, sa tin~gin n~g uari sa puso mo'y tunghan, sa busal ay titic sa diquit n~g lumbay sanhi n~g ya-ya cong lubháng cailan~gan."

Ang isa sa pooc n~g naglalabanan pulos cay Romeong man~ga caibigan; n~gunit sa cabila ang pan~gulu bilang si Tibaldong lilo't cay Julietang pinsan. Cay Tibaldong asal bumabasang irog, sa dacong unahan sucat mong matalos, sa pagcatahimic amai't cahamoc na laon nang arao na di cumiquilos.

Catu-turan nito sanhi n~g pag-ibig sa cay Rosalinang bulac-lac n~g diquit, cabin~gihang bayad cay Romeong hibic ang nagpa-pamangha sa balisang isip. Cailan ma't idaing dalita't himutoc n~g pusong may tiis n~g sa sintang tunod, Rosalina'y ualang ibang sinasagot cun di catimpian at mahapding quilos.

N~g madla'y alam na alin~gao-ngao duag litis ualang dugong muc-ha ang sa agap, cung amba n~g yong oras n~g maglamas at paghimpil naman caran~galang palac. N~gayo'y siya namang tunghayan n~g tin~gin buhay ni Romeong búcong a-auitin, n~g m~ga Montesco pan~galauang supling punua't sa pagcat ang tungcol dumating.

Romeo'y cahima't binucong matibay dugong Capuleto'y caliz di bahiran; n~gunit cay Tibaldo, ang isip nadimlan n~g mapatay nito isa sa calaban; Pagcat ang namatay catatong mahigpit, n~g Principeng Ciudad capinsang malapit, at ang quinarool sanhi n~g paglait ni Tibaldong tacsil cay Romeong bait.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap