United States or Germany ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pagcat cung ang sinta'y sa buhay pan~gitil n~g nino man caniya'y lubhang masunurin, ay nagui-guing dagoc naman at pang-haling sa isip n~g culang palad na mag-anquin. Palibhasa'y lahat cay Benvoliong batid at sa pinsang mahal hinayang malabis, caya sa touina'i apuhap sa isip bagay na panlibang sa siphayong sáquit.
Ang masidhing lumbay laon nang namugad puso ni Romeong binatang maticas, payuco't nag-isip maupó't lumacad, tan~ga't ualang uili maquilahoc usap. Ito'y halata man n~g sintang magulang dapua't di mataroc lihim na dahilan, pagcat ualang ibang hinin~gahang simpan cun di si Benvoliong catoto at pinsan.