United States or Paraguay ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pagcat cung ang sinta'y sa buhay pan~gitil n~g nino man caniya'y lubhang masunurin, ay nagui-guing dagoc naman at pang-haling sa isip n~g culang palad na mag-anquin. Palibhasa'y lahat cay Benvoliong batid at sa pinsang mahal hinayang malabis, caya sa touina'i apuhap sa isip bagay na panlibang sa siphayong sáquit.
Caya n~ga sa Conde: ama'i n~g ipayag ang camay n~g bun~ga at sula n~g dilag, aniya sa sarili, "¡ualang casing palad sa lalaquing capoua sa sangmaliuanag!" Sa pagcat ang mutiang acalang gugulong laot n~g siphayong sa caniya'y pang gumon biglang macacamtan sa puso'y cacandong ¿anong di isaya at ito ang layon?