United States or French Polynesia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Julieta'y gayong din sa puso ay tipid sinta cay Romeong ayao nang mapacnit. Marami man cahit ibang nan~gaghandog maban~gong bulac-lac n~g pusong may tiboc cay Julieta'y pauang masaclap na yamot si Romeo lamang sa tamis nabúcod. Cay Romeo namang pagsayao madlang sa ibang dalaga't sa uica ay culang pagca't si Julieta ang laman na lamang n~g hucay n~g pusong sa pagsinta'y hibang.

Palibhasa'y bihasang macapanood ang m~ga alila roon n~g m~ga ganitong pangyayari, caraniwang sila'y inaabot n~g yamot, n~guni't canilang pinagtakhan ang pag-aalis n~g m~ga bota, bagay na hindi dating guinagawa, caya't nan~gagkindatan ang isa't isa. Naupo ang alférez sa isang silla, sa tabi n~g dakilang pinto, at nacapagtiis na maghintay roon n~g mahiguit na calahating oras.

Lalo pa akong nagdanas ng yamot sapagka't hindi ko kilala ang ugali ng iyong mga kasama sa bahay at nagalaala ako na baka kung dalawin kita'y hindi ka nila ipakausap sa akin at mawikaan pa ako pagtalikod ko, kaya't upang huwag magahis ng kainipan ay ginala ko ang lahat ng bahay ng aking mga kaibigan. Gabi. Pinagsadya kita. Wala ang iyong ina.

Sa harap naman n~g matipuno at may katulisang m~ga pan~gun~gusap na iyan ni Mabini, ay naitó ang ilang katotohanan. Sa sariling taláan n~g asawa ni Bonifacio, na ang sagisag ay "Lakambini," na ipinadala kay Emilio Jacinto, ay sinasabing si Coronel Agapito Bonson, ay siyang sa boong pitagan ay umanyaya sa kanyang asawa, "upang magawa ang pakikipagkasundo," anyaya ito na tinanggihan ni Bonifacio. Si Antonio Guevara naman, isá sa m~ga kaayon ni Bonifacio, sa isáng sulat, kay Emilio Jacinto buhat sa Laguna, ika 3 n~g Mayo, 1897, ay nagsasabing sina Coronel Intong at ibá pang puno ay nagsadya sa bahay ni Bonifacio, upang hikayatin ito na mili n~g bayang ibig niyang karoroonan n~g sa gayo'y huwag silang magkahiwahiwalay. Hindi tinanggap ang gayong anyaya at payo, at sumagot n~g ganito: "Patatawarin ninyo kundi ko matanggap ang inyong anyaya sa akin. Di na ako manunumhalik kailan man, pagka't hindi ko na matitis ang m~ga ginawâ sa akin. Una'y pinagdadamutan kami sa kakanin, at ¿anó ang aking gagawin sa m~ga balo't nan~gaulila, ang m~ga anak at m~ga asawa, na nan~gatirá dahil sa labanan sa Malabon at Nobeleta? Inaakala ko ang patuloy na kung sa inyó mangyayari ang m~ga bagay na itó at buo ang inyong m~ga puso, kayo mang iyan, ay aabutin din n~g yamot at hinawa. Ikalawa: naririnig ko rian na akó raw ay isang taong walang kabuluhan dito sa lalawigan n~g Kabite at sa gayo'y dapat akong huwág kilalanin. Sa ganito n~ga, ang marapat ay lisanin ko ito, yayamang di mawawalan n~g maaawa sa akin sa m~ga lalawigan n~g Maynil

Kahi't saang gawi sila magbaling n~g tin~gin ay hindi nila mapagwari kung saang bahagi roon maaaring idaos ang ibinabalitang baile de coronacion . ¿Paano tayo rito? ang tila may yamot na tanong ni Elsa sa dalawa niyang kasama, pagkamalas sa gayong sikip n~g m~ga taong nagtuwid na lamang sa pagkakatayo at ibig mang lumipat sa, ibang pook ay tila hindi magawa.

Mamalas ng dumating ang ayos ni Magdalena, ay nagturing na: Magdalena, ¿bakit at sa pagmumukha mo'y nalalarawan ang hapis? ¿Bakit ang sun~git ng yamot ay lumululan sa iyong puso?

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap