United States or Belarus ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa buhol na tali n~g ticang malinis ano t n~g sacop nang sila'y di maalis, sa cani caniya nuing matahimic para bagang ualang ano tuang nasapit. Ang gayong nangyari lubos na nabaon sa suloc n~g lihim sa habang panahon mag-asaua'y buhay hangang panahon ang capoua hinin~ga sa palad na ucol.

Ano,i, nang matapos ang canilang pulong sa amá,t, sa iná ang uica ay gayon, man~ga loob ninyo,i, houag malingatong at mag hahanap na mag pamula n~gayon. Maguing ilang arao siya ay nalis na reino nang Portugal ang canyang pinunta, ang nasa nang loob at ticang talaga balang hanap buhay papasucan niya.

Ang tanáng linic-ha punó n~g alindog sa pagui-guing sacsing umid n~g masunod ticang pinilacan n~g calugod-lugod ang naguing larauan n~g sinta't pag-irog. At marahil cayá ang boong quinapal, sa arao na iyaon saya ang tinag lay pagcat para niyang himacas at hambal sa nagcasing pusong capos capalaran.

Julieta't di iba sa bintana'y nucas ticang causapin ang asang mamalas pagcat caniyang batid caga-gauang lahat n~g tungcol sa caniyang puso ang bumihag. At cung cayá ito'y tinipid sa dib-dib gabing nan~gagdaan pagcat caniyang nais taruquin ang lalim sa caniya'y pag-ibig n~g quinahiligan n~g loob at isip.

Palagay n~g ama sa pagayong litis, na tinacpan saya n~g bugtong na ibig, ayos na ang tan~go sa ticang mapilit at di maurun~gan sa Conde de Paris; Cayá ualang tanong pinadalang agad sa handang Palacio sa Mantuang ciudad, upang pagtitibay doo'y magaganap n~g Conde de Paris sa magandang han~gad.

Dito n~ga sandaling napa-puntang isip bago naidaing ang n~gayon co batid: lasong labis sidhi sa magcasing ibig ang biguian n~g had-lang ang ticang malinis. Uica co ay lason at sa sid-hi sacdal pagcat di pa lagoc at gunita lamang, pinanglo-lomo na niyaring catauhan marahil ay bangcay patac na maticman."

Di co man auitin, bumabasang ibig, sa caya cong capos, balac na nang isip humiguit cumulang ang touáng sinapit Julieta't Romeong sa tulá'y pantamis. Ang di pag-sambahay, pagcat sauing maquiat Romeo'y mapanhic tahanan n~g liyag, binubun~ga y sabic na pandag-dag sicat sa quinamtang ticang ang linis laganap.

Sa anyo n~g handang Julieta'y dinatnan sa Palaciong batbat n~g pamuting mahal, napag-quilala niyang sa quinabucasan tutupdin ang ticang sa caniya ay subiang. Aniya'y sa sarili "¡ó Conde mapilit, umabang sa di mo tungcol at sing-ibig, guinugol mo'y sayang at maguiguing sáquit pagcat aco'y bucas bangcay na sa masid!"

Pagcat ang gaya cong may laquing pag-ibig landas n~g hilahil ligao na sa isip cayá ang aua mo cung hindi ilauit tapat n~g silid mo bangcay cung madaquip." "¡Romeo! ¡Romeo!, Julieta ang sagot, uicang mapan~ganib at sa puso'y hugot, ¿baquit di in~gatan buhay sa sigalot cung ticang tamuhin ang aquing pag-irog?