United States or Sint Maarten ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ano't n~g nagtibay ang sadlac na hatol sa madaling taning siya,i isusulong sa Mantuang ciudad sa parusang ucol Romeo'y sa lumbay halos na magumon. Anong itatagal n~g puso sa sáquit ang asauang mut'ya maiiuang pilit, at ang paalaman cung hindi magahis Romeo'y ibig pang hinin~ga'y mapatid.

At cayá, aniya, lason iyaring han~gad pagcat malaqui na sari-saring gayac sa Palacio nilang na sa Mantuang Ciudad, sa tica n~g Condeng tun~go sa pag ganap. At baca sacaling capusing panahon sa sariling puring pilit itatangol pagcat cung guipit na't sa pan~ganib culong. yaring pag iin~gat culang isagumon.

Palagay n~g ama sa pagayong litis, na tinacpan saya n~g bugtong na ibig, ayos na ang tan~go sa ticang mapilit at di maurun~gan sa Conde de Paris; Cayá ualang tanong pinadalang agad sa handang Palacio sa Mantuang ciudad, upang pagtitibay doo'y magaganap n~g Conde de Paris sa magandang han~gad.

"At, aniya sa liham boong nalalaman litis n~g cunuaring aquing pagcamatay ang sa aqui'i may turo, pagcat carain~gan, si Fray Lorenzong tapat mong caibigan. At cung sumapit na bagsic n~g paglipas n~g ipinainom cucuni't iharap n~g pari sa iyo sa Mantuang ciudad, n~g upang magsáma hangang huling oras."

N~gunit si Romeo sa gayong pag upat, di nahintacutan dahilan sa liyag, pagcat sa sarili ang buhay na in~gat dusang sinusunong na matinding bigat. N~g upang madali sa casi pagdamay lason ang hinanap na pinagpilitan, halos na nalibot sa Mantuang tindahan at n~g macatagpuó ay ayao pagbilhan,

Salita Ng Araw

palomo

Ang iba ay Naghahanap