United States or Faroe Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Palagay n~g ama sa pagayong litis, na tinacpan saya n~g bugtong na ibig, ayos na ang tan~go sa ticang mapilit at di maurun~gan sa Conde de Paris; Cayá ualang tanong pinadalang agad sa handang Palacio sa Mantuang ciudad, upang pagtitibay doo'y magaganap n~g Conde de Paris sa magandang han~gad.
Julieta'y sa anyo ang nacacatulad, batong buhay anio sa guitna n~g dagat ang dumpol n~g unos sinayang na lahat cahit gagapuing lihim di maagnas. Cayá n~g uala mang caya ang magulang sa luhog at cahit maguing sa poot man minagaling nilang ipagmadalian pag-ganap sa tan~gong di na maurun~gan;
Gaya ni Julieta anong isasagot cun di ang mamangha sa pag-hihimutoc, at saca ang luhang sa mata'y umagos casabay n~g uicang n~gayo'y di malagoc. Ang acalang lunas sa matagong simpan mamasdang ang anac sa puso'i may lumbay, sa ama'y umali lunos calangcutan sa pagcat ang tan~go di na maurun~gan.