United States or São Tomé and Príncipe ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sapagca ang isang dulo nang bituca ay carugtong nang sicmura, at yaong isang dulo ay ang pouit na cungmacapit sa man~ga pig-yi, na dahil doo,i, hindi mangyaring magcabuhol. Ang gamot sa inaanayo, na iyo,i, pagsuca,t, pag-iilaguin nang malacas na tinuturan nang catilang cólera morbo.

Ang ibang gagauin doon ay isa rin nang itinuturo sa capítulo 20, nang lagnat nang apdo . Ang Pulmonía Falsa. Nota. 2. Mayroong isa pang bagay na Pulmonía na hindi totoo, na marahil dumaan sa man~ga matatanda, ó sa man~ga bata, ó sa man~ga tauong mahina, cun bagong nagtatag-arao, na yao,i, dala nang man~ga malalagquit na cungmacapit sa baga nang may catauan.

Saca cun tatatapin ang sugat, ay aalisin ang hilas na hindi totoong naniniquit doon, sapagca ang hilas na totoong cungmacapit sa sugat, ay hindi cailan~gang ugcain; doonan lamang nang iba pang bago at sucat. Ito lamang gauang itong itinuro co n~gayon ay nacabababao sa maraming sugat, at hindi nagnanana; at cun baga nagnanana, ay tapalan nang caunting ungüentong madilao número 46.

Nang macuhang madali yaong libag na yaon sa catauan niya, ang magaling sa lahat, ay pambohan nang dalauang bahaguing tubig at nang isang bahaguing alac, na yao,i, itutuloy nang ilang arao. Cun baga malapot at malagquit yaong libag na yaon, na cungmacapit sa catauan nang bata, ay ma-aalis nang tubig na pinaglagaan nang manzanilla na may casamang sabón na ganga patani calaqui.

N~guni totoong buti sa saquit na ito, ang pepita sa Catbalogan, ayon sa turo sa párrafo 147. Gamot sa natilas na tauo, pati sa naligas. Mayroong isang ood na ang pan~gala,i, tilas sa uicang tagalog, at sa uicang bisaya,i, basul; yaong hayop na yaon ay hindi nan~gan~gagat; datapoua,i, salang mapasayad sa balat nang tauo,i, cungmacapit at nababaon sa laman ang balahibo noong hayop na yaon.

Cun baga hindi maalam magmumog ang maysaquit, ang caniyang ipagmumumog pinatatama nang sumpit na munti, na cauayan man, doon sa caniyang lalamunan; itong ganitong pagsumpit ay totoong buti, at cun minsan siya ang iquinapagpapalabas nang maraming malalagquit na cungmacapit sa ilalim nang lalamunan, at siya rin ang iquinaguiguinhaua nang maysaquit.