United States or Kosovo ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nang malapit nang abutan princesa'i, muling nagsaysay, don Jua'i, eto na naman ang haring aquing magulang. Ang guinaua nang princesa quinuha ang sabón niya, sa lupa'i, inihulog na naguing isang bundóc bagá. Hindi ngani magcaraan ang cabayong sinasac-yan, nababaón ang catauán sa sabón na cabunducan. Naisip sa loob bagá nitong daquilang monarca, na hilahin ang rienda at mag-libid capagdaca.

N~guni totoong buti sa saquit na ito, ang pepita sa Catbalogan, ayon sa turo sa párrafo 147. Gamot sa natilas na tauo, pati sa naligas. Mayroong isang ood na ang pan~gala,i, tilas sa uicang tagalog, at sa uicang bisaya,i, basul; yaong hayop na yaon ay hindi nan~gan~gagat; datapoua,i, salang mapasayad sa balat nang tauo,i, cungmacapit at nababaon sa laman ang balahibo noong hayop na yaon.

Ang anim, ó ualo, ó sampouong linta pinacacapit sa laman nang tauong cucunan nang dugo; at nang cumapit ang linta, ay maigui basain ang laman nang mainit na tubig, ó lahiran nang dugo nang sisiu, ó azúcar; madali ring pigain ang dulo nang isang pacpac nang sisiu. at basain ang laman niyong pinacatubig na lungmalabas doon din sa dulo nang pacpac, na nababaon sa catauan nang manoc.

Bubunutin pagcaraca, at hahan~guin sa catauan ang tinic, ó ang tatal, ó ang pana, ó ang bala na nababaon sa laman. Pag nabunot na yaon, ay tapalan ang casangcapang nasactan nang basahang babad sa malacucong tubig.

Gamot sa quinagat nang atangatang sa uicang castila,i, alacrán. Ang pag-gamot sa quinagat nang atangatang ay para nang guinagaua sa quinagat nang ahas; bubunutin muna lamang ó susunquitin nang carayon ang pinacapanuca nang hayop, cun baga nababaon sa laman; saca ang man~ga turo sa párrafo 146, sa 147 at sa 148, susunding gagauin sa maysaquit. Gamot sa quinagat nang gagamba.