United States or French Guiana ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun mayroong batang ipinan~gan~ganac at ualang butas ang pouit, ay bubutasang marahan dahan nang isang lancetang matilos. Gayon din ang gagauin cun hindi macaihi ang bata, lalaqui ma,t, babayi man, dahil sapagca ualang butas.

Cun aayao ca noong ganoong paraan, ay tapalan ang pouit nang incienso, sahing at polvos nang sinunog na sun~gay nang usa, at papasoc ang tumbong. Cun minsan ang paglabas nang tumbong ay dala nang pag-iilaguin, na siya ang totoong cailan~gang gamutin. Cun lungmalabas ang punong catauan nang babayi, ay pahihigain nang tihaya.

Datapoua cun minsan itong saquit ay ualang casamang iba, at cun gayon ay cailan~gan sumpitin ang maysaquit arao-arao n~g maquiilan nang bilin sa número 5, ó magaling sumpitin nang tubig na pinaglagaan nang bituca nang baca ó manoc. Saca tapalan ang tiyan at ang pouit nang basahang babad sa gatas ; ó cun ualang gatas ang tubig na pinaglagaan nang culutan ó bulaclac nang alagao ay mabuti rin.

Datapoua cun ang saquit ay malaqui-laqui, at marugo ang may catauan, ay cailangang sangrahan; paiinumin nang bilin sa número 1 ó 2; paiinumin din nang bilin sa número 20, na macaapat maghapon, susumpitin nang tubig na pinaglagaan nang culutan lamang; at houag damihan ang isusumpit. Ang pouit na namamaga ay tatapalang parati nang biling sa número 9, ó nang sa número 65.

Cun namamaga n~ga yaong man~ga casangcapan nang pouit nang tauo, ang pan~galan sa pagcacasaquit nang gayon, ay quilmosin. Cun minsan naman mayroong lungmalabas na dugo na yao,i, touing bouan ó touing icatlong lingo; itong paglabas nang dugo doon ay magaling sa may catauan, at hindi sucat paual-in; sapagca hindi maca-aano sa caniya. Ang lalaqui marahil quilmosin sa babayi.

Datapoua cun nagcasala ó nagulo itong pagquiyao nang bituca, ay hindi na mangyaring mapatun~go sa pouit ang man~ga quinacain, cundi sa bibig napaparoon. Yaong saquit ay totoong samang saquit, na ang tunay, na pan~galan doo,i, miserere ó pasión iliaca.

Cun ang maysaquit, ay sungmusuca nang totoong lacas at hindi siya nag-iilaguin, ay lilimitan ang pagsumpit na may casamang lana, n~guni houag lagyan nang pula nang itlog. Maigui namang basain ang camay at ang paa, pati nang pouit at tiyan nang maysaquit nang tubig na malacuco. Cun minsan masama sama man ang pagcaramdam nang tauo,i, hindi cailan~gan siyang purgahin ó pasucahin.

Magaling ding tapalang parati ang pouit na namamaga n~g bulac na babad sa gata nang niyog. Ang dahon nang romero, cun ilaga muna sa alac sa misa at itapal doong mainit, ay nacaguiguinhaua rin sa maysaquit. Mabuti ring tapalan nang dahon nang talampunay . Sinabi co na sa párrafo 311, na cun minsan ang pouit ay linalabasan nang dugo, na cundi marami, ay hindi macacaano sa maysaquit.

Ang saquit na pinan~gan~ganlang miserere, ó pasión iliaca, na yao,i, pagsasara nang man~ga bituca, na dahil doon, ay hindi manabi ang maysaquit, cundi isinusuca niya ang lahat. Ang bituca nang tauo ay ga cung-miquiyao na parati, na ang camuc-ha ay ood ó ahas; na dahilan dito sa ganitong pagquiyao ang lahat na quinacain ay natutulac sa dacong pouit.

Ang pag-iilaguin nang darag-is ay cun minsan dala ang ibang man~ga bagay na pag iilaguin na sinaysay co sa man~ga capítulong natalicdan. Cun minsan naman ay dala nang bulati, na nadoroon sa loob nang bituca, ó gaua nang pagsusugat nang pouit, ó sapagca ang may cataua,i, quiniquilmos. Caya pagca nacuha,t, nauala itong man~ga saquit, ay nauauala pati nang pag-iilaguin nang darag-is.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap