United States or Mozambique ? Vote for the TOP Country of the Week !


At nang siya,i, lumura nang maguinhaua ay susumpitin parati sa loob nang bibig nang tubig na may casamang pulot, nang isang sumpit na munti, na cauayan man. Gayon ding mabuting sumpitin ang maysaquit sa ilong nang malinisan, at nang macahin~ga siya nang maloualhati.

Dahilan dito sa pag-iinom nang marami, palibhasa,i, ang sicmura,i, naroong parating puno, ay malacas lumaban sa baga, at hindi pinababayaang mabubo ang nana sa dibdib, cundí pinipilit magpaitaas sa lalamunan, at cun gayo,i, mailulura nang maysaquit. Saca pinapag-uubo ang may catauan nang suca at tubig, na biglang isinusumpit sa loob nang bibig nang isang sumpit na munti, na cauayan man.

Ang sibol ay minsan lamang gamutin arao-arao, at touing gagamutin ay papaltan ang micha nang ibang bago, at susumpitin ang butas nang sibol nang tubig na pinaglagaan nang dahon nang hagonoy, at macabuhay: ang isusumpit sa sibol ay sumpit na cauayan, cun ualang iba.

Cun baga hindi maalam magmumog ang maysaquit, ang caniyang ipagmumumog pinatatama nang sumpit na munti, na cauayan man, doon sa caniyang lalamunan; itong ganitong pagsumpit ay totoong buti, at cun minsan siya ang iquinapagpapalabas nang maraming malalagquit na cungmacapit sa ilalim nang lalamunan, at siya rin ang iquinaguiguinhaua nang maysaquit.

Mayroong tauo na parating nanhihimatay, at magaling ang caniyang damdam pati catauan; ito,i, apoplegía rin; datapoua monti; ang dugo ay biglang ungmaac-yat sa ulo, at hungmihina pagcaraca ang maysaquit; datapoua nacacaalam tauo rin nang caunti. Magaling dito sa ganitong apoplegía ang pagsasangra at ang sumpit; at nang houag umuli ang saquit, susundin ang ituturo co sa párrafo 104.

Itong ganitong cauad ay ipapasoc sa lalamunan nang palapad at pag nacalalo na sa tinic, ay pipihitin nang caunti nang macuha,t, masungquit yaong nacacahirap sa maysaquit. Cun hindi rin nacucuha yaong nadoroon sa lalamunan nang maysaquit, ay mabuting sumpiting bigla sa lalamunan nang isang sumpit na munti; sapagca cun minsan ay mag-uubo ang may catauan, at lalabas ang nacabibiquig sa caniya.

N~guni cun dinaraanan nang pagiilaguin ang bata, ay hindi cailan~gan ang sumpit at ang purga. Masama naman pacanin nang marami. Datapoua mabuti painumin nang maramirami sa dati. Ang m~ga n~gidn~gid ay lalahiran nang macaitlo ó macaapat arao-arao nang pulot puquiotan.

Cun yaong saquit ay dala nang cainitan nang litid, palonoquin ang babayi nang isa ó dalauang pelotillang talamponay na ganga balatong calaqui sa isang cucharang tubig, ayon sa bilin sa número 57, at cun minsan siya,i, macacatulog. Na-aari namang isama sa sumpit ang isa ó dalauang pelotillang talamponay, cun aayao inumin yaon nang babayi.