United States or Puerto Rico ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun baga hindi maalam magmumog ang maysaquit, ang caniyang ipagmumumog pinatatama nang sumpit na munti, na cauayan man, doon sa caniyang lalamunan; itong ganitong pagsumpit ay totoong buti, at cun minsan siya ang iquinapagpapalabas nang maraming malalagquit na cungmacapit sa ilalim nang lalamunan, at siya rin ang iquinaguiguinhaua nang maysaquit.

Maglaga ca nang rosas na mapula, ó culutan cun ualang rosas sa isang tagayang tubig, bago lahucan mo nang timbang dalauang pisong suca at isang gayon ding pulot; at cun mainit pa ay yaon ang ipagmumumog nang maysaquit. Nota.

Ang ipagmumumog nang nagcacasaquit nang saquit na sinaysay co sa párrafo 70, ay hindi culutan, cundi m~ga talbos nang sambong ang ilalaga sa isang tagayang tubig, bago lag-yan nang timbang dalauang pisong pulot. Ang timbang pisong pasalitre, gagauing labing anim na bahagui; ang isang bahagui, ó ang timbang saicaualo ay isang inom.

Cun baga hindi sangol cundi matanda na ang sinisin~gauan sa bibig, ang pag-gamot doo,i, para nang pag-gamot sa man~ga sangol, na itinuro co sa párrafo 268 na sinundan nito. Datapoua ang ipupurga doon ay ang bilin sa número 23, at ang ipagmumumog ay ang bilin sa número 19.

Cun tila maitim yaong sungmisin~gao sa bibig, at yao,i, casama nang ibang saquit, ó lagnat na malaqui, lalo na cun mahirap ang pacaramdan nang may saquit na parating nagsisin-oc, at dungmoroal, at hindi lumagay, ay painumin arao-arao nang timbang saicapat ó cahati nang bilin sa número 14; at ang caniyang ipagmumumog ay ang turo sa número 76.

At pag nauala na ang sin~gao sa bibig, cun ang maysaquit hindi nag-iilaguin nang malacas ay purgahin nang bilin sa número 23, at painumin naman nang bilin sa número 12, ó sa número 13, at ito rin ang caniyang ipagmumumog. Cun totoong hindi macalonoc ang maysaquit dahilan sa sin~gao nang bibig, ay ang gatas na tinutubigan ay isama sa ibinabaños, at sa isinusumpit sa caniya.

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap