United States or China ? Vote for the TOP Country of the Week !
At pag nauala na ang sin~gao sa bibig, cun ang maysaquit hindi nag-iilaguin nang malacas ay purgahin nang bilin sa número 23, at painumin naman nang bilin sa número 12, ó sa número 13, at ito rin ang caniyang ipagmumumog. Cun totoong hindi macalonoc ang maysaquit dahilan sa sin~gao nang bibig, ay ang gatas na tinutubigan ay isama sa ibinabaños, at sa isinusumpit sa caniya.
Dahilan dito sa pag-iinom nang marami, palibhasa,i, ang sicmura,i, naroong parating puno, ay malacas lumaban sa baga, at hindi pinababayaang mabubo ang nana sa dibdib, cundí pinipilit magpaitaas sa lalamunan, at cun gayo,i, mailulura nang maysaquit. Saca pinapag-uubo ang may catauan nang suca at tubig, na biglang isinusumpit sa loob nang bibig nang isang sumpit na munti, na cauayan man.
Ang gamot sa inarauan ay ang pagsasangra; saca ang man~ga bagay na malalamig gagamitin doon sa ipinaiinom, sa ibinabaños, at sa isinusumpit sa maysaquit. Ang pagsasangra ay cailan~gang totoo, at cun hindi pa nauauala-uala ang hirap nang maysaquit, uuling sasangrahan. Ang isusunod sa pagsasangra ay ang baños sa tubig na malahinin~ga lamang, at houag sa mainit.