United States or Zambia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Maiinom maghapon nang maysaquit ang timbang cahati; datapoua ang hindi pa bihasa doon houag painumin n~g ganoon carami; sucat na roon muna ang timbang saicaualo ó saicapat. Itong polvos ay isinasama sa tubig na malacuco. Cailan~gang ituloy gauin itong ganitong gamot nang mababang panahon. Ang pan~galan nang tagalog doon sa damong yaon ay anisanisan , sapagca ang bot-o noon ay tila bot-o nang anis.

Cun uala pang labing ualong taong edad ang maysaquit, ay binabauasan nang caunti ang saicaualo; at cun uala pang sangpouong taon, ang timbang calahating saicaualo,i, babauasan pa mandin nang caunti. Sa batang may tatlong taon sucat na roon ang sa icalabing-anim na bahagui nang isang saicapat, ó ang halagang isang cuarta. Nota.

Ang balat nang cahoy na pinan~gan~ganlang iguio ó aguio timbang saicaualo. Ang balat nang iguio, ay ibinibilad muna sa arauan, bago bayuhing maigui, at paraanin sa sinamay na pino. Itong pasuca,i, bagay sa lalaquing matanda,t, malacas.

Sa ibabao nang tiyan ay lalag-yang parati nang tubig na pinaglagaan nang cebada ó palay, na hinulugan nang salitre, timbang saicaualo sa isang botella, at siya rin ang caniyang iinumin. Totoong buti namang doonan sa tiyan nang gatas na malacucong tinubigan.

Mabuti rin libutin ang paa nang gaboc na tuyo na mainit init, na may casamang asin; houag siyang uminom nang maraming tubig; uminom siya n~g caunting alac. Cun umaga,t, cun hapon, ay paiunumin ang maysaquit nang bilin sa número 20, timbang saicaualo, na tutunauin sa isang tazang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao.

Casaysayan nang timbang nang man~ga iguinagamot nang man~ga médico sa man~ga maysaquit. Ang isang libra mayroong labing anim na onza, ó labing pitong piso. Ang isang piso,i, mayroong ualong saicapat. Ang isang saicapat ay dalauang saicaualo naman. Ang isang saicapat ay ga sandaang butil na trigo ó palay na hindi pili. Ang isang piso ay dalauang salapi. Ang isang piso at saicaualo ay isang onza.

Ang gagauin lamang doon pagca binibig-yan nang purga ó pasuca, at hindi siya nag-iilaguin ó sungmusuca ay painumin nang isang tazang malacucong tubig, na sinamahan nang asin, timbang tatlong saicaualo sa anim na tazang tubig, at palacarin siya sa bahay.

Ang isang piso naman ay catimbang nang labing pitong saicaualo. Ang laman nang isang botellang ugali, ay mahiguit sa isang tagayan, ó apat na malaquing tazang chocolatihan mahiguit pa, na yao,i, isang libra rin. Ang laman nang isang ugaling cuchara ay ang saicaualong bahagui nang isang tazang malaquing chocolatihan.

Ang gamot na bagay sa saquit na ito,i, ang timbang calahating saicaualo nang bilin sa número 35, na cailan~gang gauin agad; at nang tumapang pa yaong gamot na yaon, ay mabuting ihulog yaong bilin sa número 35 sa isang tagayang tubig, na pinaglagaan nang manzanilla.

Ang ipagmumumog nang nagcacasaquit nang saquit na sinaysay co sa párrafo 70, ay hindi culutan, cundi m~ga talbos nang sambong ang ilalaga sa isang tagayang tubig, bago lag-yan nang timbang dalauang pisong pulot. Ang timbang pisong pasalitre, gagauing labing anim na bahagui; ang isang bahagui, ó ang timbang saicaualo ay isang inom.

Salita Ng Araw

mapisan

Ang iba ay Naghahanap