United States or Russia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun minsan naman caya sinasauan, ó sinusubaan ang bata, sapagca ang gatas nang nagpapasuso sa caniya ay masama; sa macatouid, cun ang nagpasuso ay nagagalit nang malaquing pagcagalit, ó namanglao, ó natacot, ó napagod nang paggaua, ó nainitan, ó nacacain nang man~ga cun ano ano, ó nagcasaquit, ó nacainom nang alac, ó cun pinananaugan nang panahon, cun datidating sungmasama ang caniyang pagcaramdam, cun pinananaugan siya nang sa panahon.

Cun umaga bago cumain ang maysaquit ay pinaiinom siya nang bilin sa número 24, na yaon ang totoong buti doon, na cailan~gang gauin touing icalaua ó icatlong arao. Cun minsan naman bago tumahan ang pagdaan nang sa panahon sa babaying matanda na, ay pinananaugan siya muna nang maraming dugo; at cun gayo,i, houag sangrahan.

Hindi sucat pasucahin ang lungmulura nang dugo, ang linuluslusan, ang mahina ang dibdib, ó ang totoong mataba ang catauan, ang binubusan nang dugo, ang napainom na nang pasuca at hindi sungmuca, ang babaying pinananaugan n~g bouan, ang buntis, at ang bagong nacapan~ganac. Yaong man~ga maysaquit na yaon ay magaling purgahin sa pasucahin. Nota.

Cun ang babayi hindi na dinaraanan nang panahon sapagca siya,i, matanda na, cun baga bigla ang pagtahan, ó ang pag-urong nang bouan, at dati siyang pinananaugan nang malacas, ay gagamutin nang gayon: Ang maysaquit ay sasangrahan, at cun macalalo ang anim, apat ó tatlong bouan, ay sasangrahang uli. Houag pacanin nang maraming carne ó itlog, at houag painumin n~g alac.

Ang man~ga painom nang man~ga gamot na hindi maalam doon sa babaying inurun~gan nang sa panahon, sa halimbaua ang alac na matapang, ang suma at ang iba pang gayon ay totoong sama. Ang gamot sa babaying pinananaugan, ó linalabasan nang maraming dugo, na ang tauag nang castila doo,i, flujo de sangre. Ang gagauin sa babaying linalabasan ó pinananaugan nang maraming dugo ay gayon.

Sa man~ga sasabihin co n~gayon mahahalatang marugo ang may catauan; sa macatuid: Cun siya,i, malacas cumain; cun siya,i, cungmacain nang maraming carne, ó ungmiinom nang alac; cun hindi sungmasama ang damdam nang caniyang sicmura; cun mahaba ang caniyang tulog, cun hindi siya binabalin~goyn~goy, ó hindi binubusan ó pinananaugan nang maraming dugo. Cun gayo,i, marugo ang may catauan.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap