United States or Tajikistan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun ang babayi hindi na dinaraanan nang panahon sapagca siya,i, matanda na, cun baga bigla ang pagtahan, ó ang pag-urong nang bouan, at dati siyang pinananaugan nang malacas, ay gagamutin nang gayon: Ang maysaquit ay sasangrahan, at cun macalalo ang anim, apat ó tatlong bouan, ay sasangrahang uli. Houag pacanin nang maraming carne ó itlog, at houag painumin n~g alac.

Gayon din ang pag-urong nang panahon sa man~ga babayi, ó ang pagtahan sa totoong init, ó ang lauong pag-uubo, cun minsan ay sinusundan nang paglura nang dugo. Ang gagauin sa nagcacasaquit nang gayon ay untian ang caniyang cain; houag painumin nang alac: painuming parati nang bilin sa número 2; bagay sa maysaquit ang pagcain nang bun~ga nang sampaloc, ó nang ibang man~ga bun~gang hinog nang cahoy.

Ang tauong nalunod sa tubig, maitim nang totoo, ó namamaga man ang caniyang muc-ha, cun minsan masasaol-an nang buhay, capag ang pagtahan niya sa tubig ay hindi lumalo sa anim ó pitong oras. Sa hindi lubhang nalauon sa tubig ay bihira ang di nasasaol-an nang buhay.

Ang pinagmumul-an nitong saquit na ito ay ang han~ging malamig na casama nang ulan, ang pagbasa, ang pagtin~gin nang malauon sa maputi, ang pagcapuyat, ang pagsulat, ang pananahi, ang pagdurugtong nang abacá cun gab-i, ang biglang pag-urong nang pauis, ang pag-inom nang alac na marami, ang mahabang pag-ulan, ang calimitan nang pag-gaua nang mahalay, at ang pagtahan sa man~ga mababang lupa.

At cun nahahalata, na ang saquit ay napapatun~go sa baga, dahil sapagca ang pag-uubo ay lungmalaqui nang lungmalaqui, at ga siquip ang dibdib pati nang paghin~ga, ay doonan ang maysaquit nang parapit sa man~ga binti número 36. Hindi magaling sa saquit na ito ang tumahan ang maysaquit sa bahay na mainit at siquip, sapagca ang pagtahan sa ganoong lugar ay para nang pag-inom nang alac.

Nuno po,i, malaqui tinangap cong toua tinatatap ninyo calagayang abá, maraming salamat Dios ang mag pala pagcalooban din tayo nang biyaya. Sa matandang sagót dito sa cay Juan pagtahan mo dito,i, nag-iisa lamang, icao,i, bibigyan co,t, pagcacalooban isang batóng munting perlas ang cabagay.

Ang bagay sa sinasauan, ay ang pagtahan sa maaliualas na lugar, na hindi natacpan nang bahay ó cahoy na marami: masama sa caniya ang pag-inom nang alac, ang pagcain nang baboy, ó man~ga bun~ga ó gulay na may han~gin para nang saguing, patani, etc. masama rin ang siya,i, magalit, ó matacot nang malaqui.

Ganoon din masama, sa gayong saquit ang man~ga bahay na siquip, ó ang pagtahan sa piling nang man~ga laua ó nang man~ga tubig na tahan. Ang pagdurugo nang n~gipin mauauala, pagca n~guyain nang maysaquit nang malimit ang dahong sariua at hilao nang mostaza . Houag siyang cacain nang man~ga ma-aalat, sapagca yao,i, masama sa saquit na yaon. Ang carne at ang isda pag hindi sariua,i, masama rin.

Ang pagcain nang carne ó isdang buloc, ang pagcain naman nang maraming carne, ang hindi pagcain nang man~ga gulay, ó bun~ga nang cahoy, ó nang man~ga maasim, ang pagtahan sa piling nang man~ga laua, cun ang tubig ay tahan, ang pagtahan sa bahay na siquip, na may maraming tauo, ang caruc-haan, ang capanglauan at ang casam-an nang panahon, ay yaon ang pinagmumul-an nitong saquit, ó lagnat na sucab.

Maigui rito naman ang dita número 14, timbang tatlong bahagui arao-arao, na isinasama sa alac at ipaiinom sa maysaquit. Magaling sa caniya ang pagcain nang yuro, hipon at man~ga talaba. Ang gamot sa hindi nananabi. Masama sa saquit na ito ang paglocloc na parati, ang pagdaramit nang marami, ang pagtahan sa hihig-an ang malauon, at ang pag-iisip na parati nang man~ga maliliuag.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap