United States or Canada ? Vote for the TOP Country of the Week !


At nang maalaman cun anong ipaiinom doon, ay basahin dito sa libro ang man~ga bilin doon sa sariling capítulo nang saquit na yaon. Catungculan namang maalaman nang nag-aalaga sa maysaquit, na masamang purgahin siya ó pasucahin pagca bagong nagcasaquit: cun minsan ang pasuca sa man~ga saquit na iba,t, iba nacacasira,t, nacacahirap sa sicmura, sa baga at sa atay, at nagdadala nang ibang masama.

Cung cailan~gang purgahin, ó pasucahin ang tauo, ay cailan mang panahon mapupurga ó mapapasuca siya; at hindi sucat bacayan ang arao ó ang bagong bouan, para nang guinagaua nang man~ga mangagamot na mangmang, na maraming totoong tauong caauaaua ang inaalsan nila nang buhay, sapagca hinihintay ang gayong arao nang bouan sa pag-gamot sa m~ga maysaquit.

Hindi sucat pasucahin ang lungmulura nang dugo, ang linuluslusan, ang mahina ang dibdib, ó ang totoong mataba ang catauan, ang binubusan nang dugo, ang napainom na nang pasuca at hindi sungmuca, ang babaying pinananaugan n~g bouan, ang buntis, at ang bagong nacapan~ganac. Yaong man~ga maysaquit na yaon ay magaling purgahin sa pasucahin. Nota.

Datapoua ang tubig na ibubuhos sa catauan nang tauo ay mabuti lahucan nang suca cun baga mayroon. Magaling namang pasucahin ang gayong tila patay nang ga dalaua ó tatlong cucharang ojimiel escilítico ú ojimiel nang bacong na sinamahan nang isang cucharang aguardiente ó alac na matapang. Ang pag-gaua nang ojimiel ay aquing sasaysayin sa número 8.

Masamang purgahin, ó pasucahin ang aquing sasabihin n~gayon, sa macatouid: ang nalalagnat na tauo sa oras nang pagcalagnat niya, cun baga siya,i, nalalagnat nang malaqui; ang tuyo ó payat na totoo ang caniyang catauan; cun ang pinagmul-an nang saquit ay cahinaan nang catauan; cun pinanaugan nang sa panahon ang babayi; cun ang may cataua,i, nagcasaquit, at ang caniyang saquit ay nauauala na sa pauis, ó sa pag-iilaguin, ó sa pag-ihi, ó sa pag-babalin~goyn~goy; ang tauong piyohin, cun dinaraanan nang saquit na yaon; gayon din cun totoong hina ang man~ga litid nang may catauan.

Cun ang maysaquit, ay sungmusuca nang totoong lacas at hindi siya nag-iilaguin, ay lilimitan ang pagsumpit na may casamang lana, n~guni houag lagyan nang pula nang itlog. Maigui namang basain ang camay at ang paa, pati nang pouit at tiyan nang maysaquit nang tubig na malacuco. Cun minsan masama sama man ang pagcaramdam nang tauo,i, hindi cailan~gan siyang purgahin ó pasucahin.

Itong man~ga ganganito,i, hindi sucat pasucahin; datapoua mabibig-yan sila nang purga.

Itong man~ga pasuca ay hindi sucat ibigay sa maysaquit, cun matigas ang pulso, ó cun hindi ungmuunti unti ang lagnat, ó cun yayat na totoo ang maysaquit. At nang maalaman nang mangagamot, cun cailan mapapasuca ang maysaquit, ó cun cailan hindi sucat pasucahin, basahin niya muna ang capítulo 88, nang houag magcunpapaano ang caniyang pag-gamot sa tauo.

Caya n~ga yata nang maalaman n~g mangagamot cun cailan bagay doon ang purga, cun cailan ang pasuca ay tatandaan niyang maigui ang sasabihin co n~gayon: Cun ang bibig nang may catauan ay mapait, at ga parating ibig niyang sumuca, ó siya,i, sungmusuca n~ga, ay maigui pasucahin; sapagca ang masama ay ang sicmura.

Ang maysaquit ay paiinumin nang maraming malacucong tubig na sinamahan nang caunting asin ó azucar , at pagcaraca,i, pasucahin nang maraming tubig at lan~gis, ó nang bilin sa numero 34 ó 35.