United States or Mexico ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~guni itong man~ga ganitong tapal ay hindi dapat ilagay, cundi maualauala muna ang pamamaga nang sibol, at cun talagang magnanana na. Cun inaacalang may nana na ang sibol, ay hiuain pagcaraca, at houag palauonin doon ang nana; saca guinagamot ang daliri nang ungüentong bilin sa número 66.
Ang gagauin doon ay tapalan macalaua maghapon nang tinapay at gatas hangan sa pumutoc at magnana, ayon sa turo ni Buchan. Ito,i, gagauin cun baga nahahalatang puputoc at magnanana. Datapoua cun ang bucol sa suso ay lauon nang tungmubo, at hindi masaquit, ay houag tapalan nang anoman. Ang man~ga tapal na mayroong taba ay masama roon.
Ang man~ga sangol ay sinusubaan cun sila,i, sisibulan nang man~ga bulutong, datapoua,i, hindi sucat alumanahin yaon; alintana masamang subaan, cun baga nacaurong ang pagsibol nang bulutong, ó cun magnanana na. Cun minsan naman binabalin~goyn~goy ang binubulutong bata ma,t, matanda man; at ito,i, magaling na totoo sa maysaquit.