United States or French Guiana ? Vote for the TOP Country of the Week !
Para bang sinampal siya ng isang malakas sa panga kung magkakagayon! Anong samang pakinggan! Para bang isang matunog na bomba kung kanyang maririnig ang salitang ito. Pinagsukaban siya! Kay samasama nga naman! Nguni't ano pa ang mangyayari? Waring napadikit na sa kanyang balintataw ng mga mata ang larawang anyung ginawa ng sukab na asawa.
Datapwa't siya ay isang kulangpalad sapagka't ang asawang akala niya ay mabait at matapat ay di man lamang gumagawa ng ano mang paglililo gayon ang mga ginawang yaon ni Leoning ay isang bagay na kay samasama kung malaman ng mga kapisanan. Walang kamalaymalay ang kanyang sarili.
Kay samasamang pakinggan: pinagtaksilan ng asawa kaawaawa! At, sa pagdidilim na iyon at pagsisilakbo ng dugo ng kulangpalad na si Daniel, ang munting siwang ng pintuan ng silid na kinaruruonan ni Leonora at ng kasuyuan ay kanyang sinilag at sa pagkakita niyang yaon sa anyo ng dalawa, ay waring ang langit ay bumagsak. Kay samasama ng kanyang kapalaran!...
Wala, wala kundi isang lalaking pinagsukaban ng asawa, isang lalaking naulol ng asawa, pinagtaksilan ng asawa.... Oh! diyata at ganito ang kanyang maririnig sa harap ng matataas na lipunan at sa harap ng kapisanan? Kay samasama! Anong samang pakinggan! Nagtaksil, nagsukab ang asawa. Kay samasama nga naman!