United States or Honduras ? Vote for the TOP Country of the Week !
Noon di'y lumipat ako sa inyong palko na nagpuputok ang kalooban sa akalang ang kahulugan ng titig mong iyon ay isang pag alipusta sa akin dahil sa ikaw ay mayroon nang asawa ó katipan: datapwa't ako'y namali sapagka't matapos tayong magkamay ay ipinakilala mo sa akin ang kapiling mong lalaki at noong ko natalos na asawa pala ng kapatid inong matanda, at pinagsisihan ko ang pagkakaroon ng maling hinala sa titig mong puno ng lugod.
Ang mga ilaw ay muling nangulimlim. Sa maputing kayong nakatatakip sa tanghalan ng dulaan ay itinanyag ang sumusunod sa pelikulang; "Vivir para amar"; nguni't natapos ng hindi ko nawatasan sapagka't hindi nawalay sa aking isipan na may kapiling kang lalaki sa inyong palko. ¿Sino kayang lalaki iyaon? ang tanong ko sa sarili ¿Kanya kayang asawa? ¿kanya kayang katipan ó isang kaibigan lamang?
At, ang malaki at maaliwalas na dulaang Rizal, sa kapahintulutan n~g m~ga may-ari, ay kaunti nang mapuno sa dami n~g tao. Halos dalawa sa ikatlong bahagi n~g m~ga butaka ay may m~ga tao; bukod pa ang m~ga nagtayo sa paligidligid n~g palko at "entrada general."
Ang mga ilaw ay muling nagliwanag. Nilingon kita sa inyong palko na parang isang hukom na nagmamasid sa mga salaring lalapatan ng parusa. Sa paglingon kong ito'y muling nagtama ang ating mga mata at sa iyong titig ay waring nabasa ko na mayroon kang ibig sabihin.
Salita Ng Araw