United States or Morocco ? Vote for the TOP Country of the Week !


Datapwa't hindi nagbago ang aking pag-ibig sa iyo at bagkus pang lumago at sa twing magugunita ko ang aking pagiisa, ay lalo pa akong nagsusumigasig sa pag-aaral sapagka't hindi nawalay sa akin ang paguusap na tayo'y magkikitang uli at maidudulot ko sa iyo ang aking napagaralan. Mahabang panahon ang dumaan.

Ang mga ilaw ay muling nangulimlim. Sa maputing kayong nakatatakip sa tanghalan ng dulaan ay itinanyag ang sumusunod sa pelikulang; "Vivir para amar"; nguni't natapos ng hindi ko nawatasan sapagka't hindi nawalay sa aking isipan na may kapiling kang lalaki sa inyong palko. ¿Sino kayang lalaki iyaon? ang tanong ko sa sarili ¿Kanya kayang asawa? ¿kanya kayang katipan ó isang kaibigan lamang?

Aywan ko po ba; marahil ay madadali ang buhay ko, kapag ako'y napakulong sa Beaterio at nawalay sa m~ga kasayahan.... ¡Bata ka pa n~ga! Ang totoo po, kung ako ang pamimiliin n~g aking dapat na harapin sa buhay na ito, ay walang salang iibigin ko ang magartista, sapagka't, sa ganang aki'y ito lamang ang tan~ging daan upang malasap n~g isang tao ang tunay na katamisan n~g mabuhay sa balat n~g lupa.

Kaya't walang nasabi si mang Pepe kundi ang ganito: Salamat at ako ay nawalay sa kanya. Nanaisin ko na ang sarili ay huwag makasilay pa sa kanya minsan man. Hindi ko na hahabulin kahit na siya saan pumunta. Malaya na siya sa malayo kong piling. At, upang makailag si mang Pepe sa mga sasabihin ng tao ay ginawa ang lumayo, nilayuan ang pook na yaon.