United States or Liechtenstein ? Vote for the TOP Country of the Week !


Datapoua,t, pag naguing iilang arao, at nang mapagmasdan ni Dales, na ang caniyang anac, ay hindi gumagaling-galing, cung sa pagtatrabajo ; ñguni,t, maigui at malacas siya, cung sa pagligao at paggala, ay nagalit na di hamac, at pinaguicaan tuloy si Próspero nang masasaquit na uica.

Ang mag-asaua ni cabezang Dales, baga man mababait na tauo, at mabubuting cristiano, na parang sinasabi co sa itaas, ay capagsabata nila,i, ualang ibang guinaua, cundi magsimba nang madalas; magcompisal sa panahon nang Santong cuaresma, magrosario na gabi-gabi sa canilang pamamahay; at ang ibang oras at arao ay tinutucoy nila,t, sinasamantala sa pagtatrabajo at sa paghanap nang pagcabuhay.

Subali,t, gayon man, ay sapagca,t, ang caniyang cabanala,i, malaqui, at caniyang caloloua,i, buhay na buhay, ay pinipilit nang pinipilit niya ang caniyang catauoan sa pagtatrabajo , at nacagagaua-gaua rin siya nang icatutulong sa canilang paghahanap buhay.

Sumama uli si Próspero sa caniyang amba sa pagtatrabajo , subali,t, hindi niya panañgatauoanan, at hindi man inaalumana niya ang paggaua, cundi nagdadahi-dahilan siyang palagui nang sari-sari, gaua lamang nang caniyang catamaran at masamang ugali.

Caya, nang maguing dalaua ó tatlong lingong magbuhat nang siya,i, tumutulong sa caniyang ama sa pagtatrabajo , ay dumaing siyang totoo sa caniyang ina, nang pamamaltos nang camay, nang saquit nang bayuang at nang pamamanhid nang litid nang boong cataouan niya. Quinauaan siya ni cabezang Angi, pinaligpit niya sa bahay, at ipinagamot sa mañga mediquillo dito sa bayan.