United States or Pakistan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Talastas na ninyo ang inyong gagawin ang magdadala n~g tampipe, ikaw; ang maleta, ikaw; ihahatid ninyo sa tren huag kayong aalis sa estacion hangang hindi umaalis ang tren niyang sinasakian, at walang sala mamiyang gabing mag aalas once, kayo din ang aking katulong. Pedro. N~gunit..... Agong.

Kung gayon humanda kayong lahat, mamayang á las once n~g gabi ay walang salang di pan~gan~gahasan ni Tio Agong, ang asawa n~g ating minamahal na si Ludovico nauukol ang ating ipagsangalang ¿conforme kayong lahat? Lahat. Oo. Pedro. Kung gayon tayo na kayo mag-aalisan ang lahat lalabas si Ludovico . Vico. Puso ko'y kumakaba, dibdib ko'y tumatahip, kaya't paparoon ako n~g matanto ang kahulugan.

Inaakala mo bang inaaring tawo n~g lahat ang iyong kasama? kilala na n~g lahat ang pagka apô-apô niyan, ang sabihin mo'y dahil pa sa tawong iyan kaya lolooban ang oficina; kaya't akong may sabing huag kang magtuloy; manubok ka n~gayong alas once n~g gabí at walang salang di may saka mangyayari; sa kali't wala kang makita magpatuloy ka bukas n~g pag-alis. Vico.

Si Ludovico'y umalis. Maria. Bayaan mo't babalik. Soledad. ¡Oh María! Ako'y mayroong nais n~gayong ipagtatapat. Maria. Turan mo Soledad n~g aking matatap. Soledad. Ang lilong si Agong magdaraya't sukab ay sa gabing ito'y ga ibig man~gahas. Ibig pan~gahasan ang pagka babai ilublub sa lusak sa asawang puri mahigpit na bantâ mamayang alas once gagahisin ako.