United States or Kenya ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ginawa ni Mikhail na isang susuutin sa paa at tinahing parang sandalyas. Namangha si Matrena, nguni't hindi siya pinakialaman, at ipinagpatuloy ni Mikhail ang pagtahi. Dumating ang oras ng pagkain. Tumindig si Semel at kanyang napuna na ginawang sandalyas ni Mikhail ang katad at hindi ginawang bota, bagay na nakapagtataka sa isang tao na kailanman ay hindi nagkamali.
Marahil; datapwa't huwag mong sabihing hindi mo naalaman kung saang lalawigan kami naparoon sapagka't ang iyong tatay ay nakapaghatid pa sa amin hanggang sa sasakyan. Hindi maaaring hindi nasabi sa iyo, oo; hinding hindi. Hindi raw! ... ¡Nakapagtataka! ¿Diyata't hindi man lamang nabanggit ng tatay mo ang bayan naming pinaroonan? ¿Diyata't hindi nasabi sa iyo, ni sa nanay mo? Oh! Hindi nga marahil!