United States or Uruguay ? Vote for the TOP Country of the Week !


At sa panghuhula mong iya'y walang pagsalang matutunayan mong boong kaluluwa't boong pagkataong ikagagalak ko ang pagdalo nating magkapareha sa sayawan n~gayon, sapagka't kakanin ko n~g boong pananabik ang ... iyong mansanas. Natawa si Elsa. At natawa rin si Tirso. Makasandali ay saka nagsalita ang mestisa.

Ang tinig ni Elsa ay naulinigan din niya, subali't kung ano ang sinasabi'y hindi niya mawatasan. Makasandali ay kanyang narinig ang piano, pasimula n~g isang one-step ang tinutugtog, tugtog na noon din ay sinundan n~g mahihinang sagitsitan n~g m~ga paang nagsasalimbayan sa ibabaw n~g tabla. ¡May sayawan!

Higit kailan man ay noon pa lamang naniwala ang kanyang pagkamestisa na siya pala ay babae ring katulad n~g manipis na kristal na napapan~ganib na lubha kapag nalalapit sa matigas na bakal.... ¿Malayo pa po ba tayo sa pampang, mama? ang naitanong na lamang makasandali ni Elsa sa tagapagpalakad n~g bangka.

Mabuti pa n~gang magpahipahin~ga muna tayo; n~galay na n~galay na ang m~ga binti ko sa malaong pagkakatayo. At magkapiling na nagsilikmo ang dalawa sa pook na yaong tinatalikuran n~g makapal na taong sa iisang dako nakaharap. ¿Nasa iyo n~ga ba n~gayon ang sulat ko? itinanong makasandali n~g babae. Nasa akin, ang pakli n~g lalaki. Mabuti pa kaya'y isauli mo na.... ¿Bakit?

Pagkasabi nito'y hindi lamang ang mestisa ang natawa kundi pati na rin ni donya Basilia. Makasandali ay siya namang hinarap n~g matanda ang pagpapahanda n~g agahan, at si Elsa ay naiwang nakapanun~gaw sa isang bintanang paharap sa halamanan. Mapamayamaya pa'y sa lalabas na si manang Magda.

Nakaramdam si Tirso n~g isang malaking pagkahapo n~g katawan. Sa kanyang noo ay gumiti ang malalamig na butil n~g pawis, samantalang ang m~ga litid n~g dalawang paa'y tila bahabahagyang tinatakasan n~g lakas. Makasandali pa, ay boong panglalambot nang ibinagsak ang katawan sa isang peresosang nasa may likuran niya.

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap