United States or Vatican City ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ay ano'i, nang matapos na don Jua'i, tinauag niya, naparoon capagdaca at siya'i, naquipagquita. Ang uica nang haring mahal pumanhic cang magtuluyan, isinagót niya naman aco po ay pag-utusan. Capagcaraca'i, quinuha ang frascong iningat niya, ang hari ay nanaog na ang príncipe ay casama. Don Juan ngayo'i, tingna mo ang aquing hauac na frasco, at ang nasisilid dito labing-dalauang negrito.

Si don Jua'i, quinasihan nang Dios na Poong mahal, nacaahong matiuasáy sa balóng quinalalag-yan. Ang nasoc sa calooban nitong príncipeng timtiman, moui siyang magtuluyan sa caniyang caharian. Sa pag-lacad ni don Juan sa bundóc at caparangan, nagdamdam nang capagalan sa tinding sicat nang Arao. Sa isang puno nang cahoy na malaqui't, mayamung mong siya roon ay sumilong at humilig naman tuloy.

Nguni't, quita'i, tuturuan sundin mo't, huag sumuay, lumacad cang magtuluyan icapitóng cabunducan. Doon ay inyong daratnán isang ermitañong mahal, at siya mong pagtanungan nang sadyá mong caharian. Narito't, ngayo'i, cunin mo capiraso nang báro co, at siyang ipaquita mo sa daratnang ermitaño. Cun icao ay tatanungin nang quinunan mo cun alin, ang pangalan mong sabihin isang matandáng sugatín.

Salita Ng Araw

babayaan

Ang iba ay Naghahanap