United States or Turkey ? Vote for the TOP Country of the Week !


At nulí ngang nag-uica pa matandang causap niya, diyan sa bumbóng na isá may lamáng tubig aniya. Huag mong ubusin lamang caunti aco't, iuanan, at mahaba pa ngang aráo ang pag-lacad co sa párang. Nang maquita ni don Juan yaong bumbóng na may lamán, ay isang dulong cauayan ang siyang quinalalag-yan.

Si don Jua'i, quinasihan nang Dios na Poong mahal, nacaahong matiuasáy sa balóng quinalalag-yan. Ang nasoc sa calooban nitong príncipeng timtiman, moui siyang magtuluyan sa caniyang caharian. Sa pag-lacad ni don Juan sa bundóc at caparangan, nagdamdam nang capagalan sa tinding sicat nang Arao. Sa isang puno nang cahoy na malaqui't, mayamung mong siya roon ay sumilong at humilig naman tuloy.

Sa mahusay na pag-lacad nitóng príncipeng marilág, sumapit siyang liualas sa cahoy na Piedras Platas. Nang maquita ni don Juan yaong cahoy na malabay, loob niya'i, natiguilan sa gayon ngang cariquitan. Naualá sa ala-ala yaóng bilin sa caniya, parang naencanto siya sa cahoy niyang naquita. Sa caniyang pagmamalas sa dahong nagsisiquintáb, gayon din naman ang lahat na anaqui'i, guintóng uagás.

Madai't, salita naman at di co na pahabaan, ay naguing apat na buan pag-lacad niya sa parang. Sa aua nang Vírgen Iná cay don Juan de Berbania, ay dumating capagdaca sa daan na pasalunga. Nang sa príncipeng matignan taas niyong cabunducan, lumuhód siya't, nagdasál sa Vírgeng Ináng marangal. Aco'i, iyong caauaan Vírgeng calinis-linisan, at aquin ding matagalán itong mataas na daan.

Salita Ng Araw

magpipipe

Ang iba ay Naghahanap