United States or Syria ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ay ano'i, nang matapos na don Jua'i, tinauag niya, naparoon capagdaca at siya'i, naquipagquita. Ang uica nang haring mahal pumanhic cang magtuluyan, isinagót niya naman aco po ay pag-utusan. Capagcaraca'i, quinuha ang frascong iningat niya, ang hari ay nanaog na ang príncipe ay casama. Don Juan ngayo'i, tingna mo ang aquing hauac na frasco, at ang nasisilid dito labing-dalauang negrito.

Ang frasco'i, dalhin mo bagá sa dagat quita'i, tumugpá. yao nanga't, lumacad na dalauang magcasi't, sintá. Lumusong silang nagsabay at ang frasco'i, iniumang, saca niya tinauagan ang negritong calahatán. Balang mahulí sa inyo nang pagpasoc nga sa frasco, cahit na sa tubig cayó masisilab sa galit co. Sa negritong marinig na voces ni doña María, ay nangag-unahán sila pagpasoc sa frascong sadyá.

Di siya rin ang naglagay sa frascong quinasisidlán, siya ring nagdala naman doon sa palacio real. Isinagót naman dito hindi naquiquilala co, papaloin nanga rito nang negrita ang negrito. Cun ano at si don Juan ang siya ngang nasasactán, marahás na carunungan sa princesang tinatangnan. Nang calahati nang oras ang canilang paglilibad, ay muli namang nangusap yaong princesang marilág.

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap