United States or Romania ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nguni't, quita'i, tuturuan sundin mo't, huag sumuay, lumacad cang magtuluyan icapitóng cabunducan. Doon ay inyong daratnán isang ermitañong mahal, at siya mong pagtanungan nang sadyá mong caharian. Narito't, ngayo'i, cunin mo capiraso nang báro co, at siyang ipaquita mo sa daratnang ermitaño. Cun icao ay tatanungin nang quinunan mo cun alin, ang pangalan mong sabihin isang matandáng sugatín.