United States or Turkey ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun baga nang masangrahan na,t, masaol-an, nahihilim ang may cataua,i, casasangrahan pa, hangang lumacas na magaling ang pulso, at siya,i, masaol ang lubos. Ang hiniua nang lanceta, ay houag bigquisan, cundi sapauan lamang nang isang mabilog na capirasong damit, ganga piso calaqui, na linatagan nang caunting sahing, nang cumapit sa laman, at umampat ang dugo.

Ang icalauang bagay na pinaca alulod na dinaraanan nang dugo ay hindi tungmitiboc, at naquiquita nang mata, na yaon ang pinan~gan~ganlang ugat nang tagalog, sa uicang castila,i, venas; na yaon din ang hinihiua nang lanceta, cun ang tauo,i, sinasangrahan.

Ang batang babayi na may sara ang caniyang punong catauan, ay binubutasan din nang lanceta, bago sootan doon sa lugar na yaon nang isang caputol na tingang mabilog at maicli, na may dalauang pinacatayin~ga, nang matalian sa bayauang nang bata; at houag aalisin muna hangang di mabahao ang sugat at nang houag madaiti uli ang m~ga tabi nang butas.

Itong dulo nang lanceta,i, ibabad, ó isasaosao doon sa nana nang bulutong na hinog; pagca napasaosao doon ang dulong yao,i, pagcaraca ito ring dulong may dalang nana, siya ang icacadlit ó itudtudloc sa ibig tamnan nang bulutong, doon sa ibabao nang caniyang sico, sa bias baga. Itong tudloc ay tatlo sa balang isang camay, at ang pag-itan nang man~ga tudloc ay isang daliring mahiguit.

Cun aayao ang maysaquit na pasuin ang sugat niya,i, papagsugatin nang isang lanceta ó campit ó dulo nang gunting man, mangyaring magdugó lamang, at doonan ang sugat nang caputol na sun~gay nang usa na sinunog, at iuan doon hangan sa siyang cusang malaglag. Ang pagsusunog noong sun~gay nang usa, ay hindi maliuag; basahin mo ang numero 30.

Ang sibol ay maquiquitang magaling nang mata, pagca pinan~gan~ga ang maysaquit; caya bago hiuain, ay maghahanda ang médico nang isang lanceta, na durugtun~gang magaling sa dulo nang patpat na munti; saca tinatacpan nang damit, houag lamang ang dulong matulis, at yaon ang ihihiua roon sa sibol, na naquitang naroroong maputi at malambot doon sa masaquit na lugar.