Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Abril 30, 2025
Maraming balak ang nagdaan sa panimdim ni Elsa tungkol sa hinaharap n~g kanyang palad.
Nagpatuloy si Basilio n~g pagsasaysay n~g canyáng m~ga binabantá sa hináharap na panahón, tagláy iyang ganáp na pag-asa n~g cabataang waláng nakikita cung dî ang hinahan~gad. Walang sinasabi si Sisa cung dî "oo" sa lahát, sa canyáng acala'y ang lahát ay magalíng. Untiunting nanaog ang pagcáhimbing sa pagál na m~ga bubông n~g matá n~g bát
Binalot ni Társilo ang háyop n~g malungcot at nacalalaguim na titig: tila mandin hindi niya nakikita ang manóc cung di ibang bagay sa hinaharap na panahón. Hinagpós ang noo, at: ¿Handa na ba icáw? ang tanóng sa capatid na malagunlong ang tinig. ¿Acó? ¡mula pa n~g una; hindi kinacailan~gang sila'y akin pang makita! Hindi at dahil sa ... ating cahabaghabag na capatid na babae....
Cayó po'y isáng dalagang totoong matalinò, ang marahang sinabi sa canyá n~g teniente, magalíng pô ang inyóng guinawâ n~g inyóng pagcacábigay n~g sulat ... sa ganyáng paraa'y macaaasa cayóng dalawá sa isáng mapanatag na hinaharap. Nakíta n~g dalagang lumálayô ang teniente na ang m~ga matá'y anyóng na hahalíng at kinacagat ang m~ga labì. Sa cagalin~gang palad ay nagdaan si tía Isabel.
Ukol sa ikatlong tanong: Na ang madlang kasamaang binanggit sa m~ga naunang tanong ay malulunasan; ang m~ga lupang malalawak na inangkin n~g m~ga kombento sa ating m~ga ninuno ay mapapasaulî sa bayan; ang m~ga mamamaslang ay maibubulid sa ban~gin n~g kamatayan; ang m~ga paring kababayang sina Gomez, Burgos at Zamora ay maipaghihiganti at ang kalayaan at kasarinlan n~g Bayang Pilipino ay matatamo sa hinaharap kung ang m~ga kasapi ay maypagasa, tiyaga, tapang at pagkakaisa sa pagsunod sa m~ga aral at pasyá n~g "Katipunan."
Ang pagka dalaga'y hihiguit pa mandin sa apat na puong taón kung bilan~gin walang hinaharáp kundí ang maghain niyaong pagmamahal sa ináng nag-angkin. Kaya n~ga ó m~ga binibining irog na ina-alayan niyaring paglilingkod maraming salamat kung ang iyong loob sa gandang anyaya'y magsi-alinsunod.
Walang mga sandaling pinalalampas upang sayangin sa ikatutuklas ng mga mabuting adhika't mga dapat na pakinabangan pagdating ng araw. Kaya buo na ang kanyang pananalig na may magandang bukas siyang hinaharap. Sa kabilang dako naman ang masayang pamumuhay ni Leoning ay patuloy rin.
Bagama't si Edeng at si Manuel ay hindi nagkakausap ay nagkakatalastasan naman sa pamamagitan ng mga liham at pawang maligaya sapagka't alam ng bawa't isa na wagas na pag-irog ang katapat ng kanilang walang kasinglaking pag-ibig at may pag-asa sa isang nakangiting hinaharap at sa luwalhati ng kanilang lihim na pagmamahalan. Tundo, Sept. 5, 1913. Ilang maralitang kuro
Nabasa ng ating kinatawan ang kalagayang yaon ni Eduardo at sa pangyayaring yaon ay nakapagsabi rin sa sariling: Sayang na bata. Sayang na sayang ang kanyang magandang pagasang hinaharap. Sayang kundi magbabago ang kanyang karamdaman. Marami ang sa kanya ay nanghihinayang. Kulang palad nga naman siya.
Maraming pag-cabigô ang akíng tiniís, at marilím ang handog sa akin n~g hináharap na panahón, at totoong cádilimdiliman cung ang hináharap na panahóng iya'y hindî liniliwanagan n~g ilaw, n~g liwayway n~g aking tinubuang lupaín.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap