United States or Croatia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Naupo na si Felicitas sa bancong itinuro sa caniya, at tuloy nag-uica ang aming Cura nang ganoon: Itong sulat na ito nang capatid mong si Próspero, ay cung basahin nang paimbabao; ó basahin caya nang mañga hindi nacacaalam nang mañga ugali ninyong mag-ama at magcapatid; ó basahin baga nang mañga hindi nacapagmasid nang asal nang mañga tagalog; ó basahin caya nang mañga tauong ualang sariling pag-iisip; ay segurong-segurong sasabihin nila, na itong sulat na ito,i, mariquit at matino, at ualang ibang cahulogan cundi ang magbalita si Próspero sa inyo nang caniyang calagayan sa Maynila.

Nagulat ang aming Cura, at agad-agad inusisa niya cay Pili ang bagay at dahilan nang caniyang pag-iiyac at pagsigao; at sa di macasagot at macapañgusap itong si Felicitas, gaua nang pananaghoy, na ga nacahahalang at nacasasara nang caniyang lalamunan, ay iniabut niya sa Cura ang sulat ni Próspero, na taglay niya.

Alinsunod dito sa mabuting paquiquiayon ni Felicitas sa caniyang ina, ay ipinagbili ni cabezang Angi ang canilang calabao na isang natitira; isinanla niya ang canilang mañga palayan, at naparoon siyang tuloy sa Tribunal; at doon sa harap nang Maguinoong Capitan, at nang ibang mañga sacsi, ay nagbayad siya nang mañga utang ni Próspero.

Iyan din, , ang imic ni Felicitas, iyang din, , ang nasasaaquing calooban; subali,t, ,i, mahirap na mahirap ipatalastas sa magulang co itong bagay na ito; palibhasa,i, ang boong acala at ang boong asa nila,i, si Próspero ay umiigui,t, umiigui, at hindi sumasama sa caniyang dating lagay nang caloloua,t, catauoan.

¡Sabihin pa ninyo, mañga bumabasa nitong historiang ito, ang pagnanañgis ni Felicitas, nang matanto niya ang napapalaman dini sa sulat na ito!

Bago magcaganito; sa macatouid baga; bago dumating ang arao na tinucoy ni cabezang Dales sa pagluas nilang mag-ama ni Proper, ay si Felicitas, na hindi lamang mabanal na mabanal na dalaga, cundi pa nama,i, matalas na matalas ang caniyang bait at pag-iisip, ay tinauag niya sa lihim ang caniyang capatid na si Próspero, at pinañgaralan niya, nang mahabang oras, nang madlang bagay tungcol sa maguiguing bagong calagayan niya.

Salita Ng Araw

ginang

Ang iba ay Naghahanap