United States or Maldives ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hindi co pó, sinasabi, ang matinding sagot sa aquin nang matanda, hindi co, pó sinasabi na ang lahat, na pag-aaral sa Maynila,i, quinasasapitan ó casasapitan caya na para nang nasapit ni Próspero at nang caniyang magulang, at mayroon din hindi nagcacagayon; subali,t, maniuala, pó, cayo sa aquin, na sa sangdaang estudianteng nag-aaral sa Maynila ay ang siam na puo,i, napapasama sa catouan ó sa caloloua, ó sa catauoa,t, caloloua na para-para; at salamat pa, pó, cung ang sampuong natitira,i, umiigui, at hindi lumilihis sa matouid na daang patuñgo sa Lañgit.
Iyan din, pó, ang imic ni Felicitas, iyang din, pó, ang nasasaaquing calooban; subali,t, pó,i, mahirap na mahirap ipatalastas sa magulang co itong bagay na ito; palibhasa,i, ang boong acala at ang boong asa nila,i, si Próspero ay umiigui,t, umiigui, at hindi sumasama sa caniyang dating lagay nang caloloua,t, catauoan.
¿Ay ano baga, hindi caya sumamá roon ang caniyang dating mabuting ugali? Ang damdam, pó, namin, ang sagot ni cabezang Angi, ang damdam, pó, namin, ay hindi siya sumasamá, cundi umiigui pa, pó, sa dati. Salamat, cung ganoon, ang uica nang Cura, salamat, cung ganoon, subali,t, iba ang aquing balita. ¿Ano, pó, ang iyong balita? ang tanong nang mag-asaua.