Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 5, 2025
Datapoua,t, nang maguing tatlong lingong magmula nang pagharap ni Dales sa aming Cura, at casalucuyang pinaguusapan nang mag-ina ni Felicitas itong di pagluas ni Próspero sa Maynila, at casalsalang ipinahahayag ni Pili sa caniyang ina ang malaquing toua niya dahilan sa hindi pag-alis nang capatid, ay siyang pagdating ni cabezang Andrés, at capagcara,i, tinauag niya ang mag-ina, at iniutos sa canila nang isang masiquip na utos, na agad-agad, ang uica, ay bumili sila nang cáyo at gumaua sila nang maraming baro at salaual cat Proper, at maghanda pa sila nang mañga paño , chapin , chinelas , talla at nang balang cailangan; at sa isang lingo, aniya, ay paluluasin co si Proper sa Maynila, at papag-aralin co doon nang caunti.
Bago magcaganito; sa macatouid baga; bago dumating ang arao na tinucoy ni cabezang Dales sa pagluas nilang mag-ama ni Proper, ay si Felicitas, na hindi lamang mabanal na mabanal na dalaga, cundi pa nama,i, matalas na matalas ang caniyang bait at pag-iisip, ay tinauag niya sa lihim ang caniyang capatid na si Próspero, at pinañgaralan niya, nang mahabang oras, nang madlang bagay tungcol sa maguiguing bagong calagayan niya.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap