United States or Ukraine ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ako ang tinatan~gisan ng aking kapatid?.... Hindi, sapagkat anó ang dapat niyang ikalungkot sa akin? Ang kaniyang sarile ang iniiyakan? Ewan ko, n~gunit ano naman ang dapat niang ikalumbay? Wala akong maala-ala. M~ga sandali itong punong puno n~g m~ga pagkukuro sa isip ni Anchang. At si Delang anó naman ang ginagawa?
Pinulsuhan muna si Ambo, binasá n~g tubig ang batok at saka pínagsabihan: Ang hatol ko sa iyo ay magliguíd ka n~g magliguíd dian sa walong pilapil na yaan, sabay na itinuro ang m~ga pilapil, na pag dating mo dito'y patuloy ka pa n~g patuloy hangang patiguilin kita. Ako nama'y kukuha n~g iinomín mong gamot na ewan ko lamang sa baat n~g aking salokot na nasa kamalig.
Salita Ng Araw